top of page
Search
BULGAR

Namulat sa mahirap na angkan… BEBOT, SUSUWERTEHIN SA ABROAD AT NEGOSYO

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 25, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. Mahirap lang kami, kaya naman nais kong malaman kung may pag-asa ba akong umunlad sa buhay?

  2. Maestro, gusto ko rin sanang malaman kung may guhit ba ng pagyaman sa aking palad? Kung sakaling mayroon, sa paano paraan naman kaya ito matutupad?

 

KASAGUTAN


  1. May guhit ng aliwalas na Travel Line at may Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. t-t arrow a. at N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, may pag-asa ka pang makaahon sa kahirapan hanggang sa unti-unting umunlad sa pamamagitan ng dalawang bagay. Una, makakapaglakbay ka at pagkatapos, kapag may naipon ka na, makakapagtayo ka rin ng negosyo hanggang sa unti-unti itong umunlad.

  2.  “Umunlad” lang ang binabanggit nating salita dahil hindi ito guhit ng pagyaman, sapagkat ang Head Line (Drawing A. at B. H-H) sa kaliwa at kanan mong palad ay natagpuang sloping o pakurbang pabilog na Head Line (arrow c.). Ito ay tanda na sa panahong medyo maunlad ka na at hindi ka masyadong magiging materyoso at dahil hindi ka magkukuripot sa iyong mga kasambahay, kamag-anak at kakilala. Sa bandang huli, imbes na yumaman, makakaalpas sa iyong mga kamay ang pagkakataong ito hanggang sa sumapit ang kalagayan ng iyong buhay na masasabing hindi ka mahirap at hindi rin mayaman, bagkus nasa middle class ka lang. Kumbaga, hindi ka kinakapos at may kaunting ipon para sa emergency o para sa future ng iyong pamilya.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang ayon sa iyong mga datos, Ghelyn, uunlad ang buhay mo dahil sa pag-a-abroad at pagnenegosyo, pero huwag ka umasang yayaman ka dahil hindi mo magiging ugali ang labis na paghahangad sa salapi.

  2. Gayunman, dahil habang may buhay, may pag-asa, masasabing kung sisimulan mo nang ugaliin ang mga katangiang nakikita sa mga mayaman na tulad ng pagiging kuripot at labis na pagmamahal sa salapi, tiyak ang magaganap, sampung taon mula ngayon, sa 2034, hindi lang pag-unlad kundi pati na rin ang pagyaman ang makakamit mo sa edad mong 48 pataas.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page