top of page
Search
  • BULGAR

Name para mailagay sa kalsada, dapat patay na…NORA KAY MAYOR JOY: HUWAG MUNA SANA AKONG PATAYIN

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | February 23, 2022





Nabasa namin ang naging pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte tungkol kay Nora Aunor nang matanong kung posible rin bang ipangalan sa Superstar ang isang kalye sa Kyusi.


“So by me, si Nora Aunor is most welcome. Pero hindi po puwedeng ipangalan ang isang kalsada o gusali after someone while they are still alive,” na-quote na paliwanag ni Mayor Joy sa isang panayam.


Tinanong mismo ni yours truly si Ate Guy kung ano ang masasabi niya sa naging pahayag na ito ng alkalde ng Kyusi.


“Huwag muna sana akong patayin. Hindi kailangang ilagay ang pangalan ko sa isa sa mga streets sa QC.


“Marami pa akong gustong tulungan na mga kababayan natin sa abot ng aking makakaya para makatulong lalo na sa mga mahihirap. Ito ang mahalaga sa akin,” ang naging kasagutan ng PH Showbiz Superstar.


Well, so far, ang alam lang namin na artistang ipinangalan sa isang kalsada ay si FPJ (SLN), na 'yung dating Roosevelt Avenue ay naging FPJ Avenue na.


Ewan lang kung magkakaroon din ang Hari ng Comedy na si Mang Dolphy. Pakihulaan na lang po, Madam Damin, please lang. Insert smiley, ☺!


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page