top of page

Name, ayaw ilantad… IVANA, NON-SHOWBIZ ANG BAGONG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 5, 2025



Photo: Ivana Alawi - Instagram


Mula nang sumikat at maging top content creator si Ivana Alawi ay pinagpantasyahan na siya ng kalalakihan. Sa mga una niyang vlog ay ipinakita ang kanyang natural na ganda at kaseksihan habang siya ay naglalaba. 


Kaswal na kaswal at walang kaarte-arte si Ivana, hindi siya nagpapa-cute at nagpapa-impress. Effortless ang kanyang pang-akit at umaapaw ang kanyang sex appeal kaya milyun-milyon ang kanyang mga viewers at followers. Marami rin ang humanga sa kanyang pagbibigay ng tulong sa mga kapuspalad. 


Ramdam ng lahat ang kanyang sinseridad sa mga taong tinutulungan niya. Hindi ito scripted at pakitang-tao lamang. Ito raw ang paraan ni Ivana upang i-share sa iba ang mga blessings na kanyang natatanggap. 


Samantala, nagkaroon ng impact sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang kanyang pagiging “first guest celebrity”. Napalabas man siya agad dahil sa pagiging pasaway, nag-iwan naman si Ivana ng magandang impression sa mga housemates.


Sa guesting naman ni Ivana sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), napaamin siya na may “special someone” na siya ngayon. 


Isa raw itong non-showbiz guy pero ayaw isapubliko ang pangalan. Ayaw ni Ivana Alawi ng karelasyong artista, gusto niya ay tahimik ang kanyang love life. 


Kaya marami ang nagtatanong kung rich businessman ba o pulitiko ang kanyang “special someone”. Super rich na si Ivana at dapat na pantayan ito ng lalaking kanyang mapapangasawa. 


Todo-deny din si Ivana sa mga pulitikong nali-link sa kanya.


 

HINDI na talaga mapigil ang pagsikat ng Mommy Grace ni Miguel Tanfelix. Bukod sa guesting niya sa Mga Batang Riles (MBR), marami ring ibang shows na nagkainteres na siya ay i-guest tulad ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), Toni Talks (TT), atbp.. 


At dahil malakas din ang feedback sa kanyang vlog, kung saan nagluluto siya ng iba’t ibang putahe, may mga offers ngayon sa kanya upang maging endorser ng mga sangkap sa pagluluto. 


In fact, isang malaking produkto ngayon ang ine-endorse ni Mommy Grace

Tanfelix. It seems dadaigin niya ang ibang sikat na celebrities na dating nag-e-endorse ng mga sangkap sa pagluluto. 


Mas realistic kasi na endorser si Mommy Grace dahil ang husay niyang magluto at maraming nanay ang naeengganyo sa kanya. 


May request nga ang iba na mag-collab sila ni Judy Ann Santos, tapos kunin nilang taga-tikim sina Kara David at Susan Enriquez na mahilig ding kumain at magluto.


Anyway, hindi naman daw nao-offend si Miguel Tanfelix kapag sinasabing mas maraming followers/fans si Mommy Grace. Natutuwa nga si Miguel dahil may ibang career na ang kanyang ina at masaya sa kanyang ginagawa.


Si Miguel Tanfelix daw ang kinakausap kapag may mga offers na endorsements kay Mommy Grace. Siya ang tumatayong manager ng kanyang mom.

Bongga!


 

DAHIL sa sitcom na Pepito Manaloto (PM), nagkaroon ng bagong sigla ang career ni Manilyn Reynes. Kahit hindi nagtuluy-tuloy ang kanyang singing career, nabigyan naman ng pagkakataon na lumabas ang kanyang pagiging natural comedienne. 


Nag-click ang tandem nila ni Michael V. (Bitoy) sa sitcom na PM. Sila ni Bitoy ang naging bagong version ng John en Marsha nina Dolphy at Nida Blanca. 


Fifteen years nang umeere sa GMA-7 ang PM na napapanood tuwing Sabado ng gabi.

Swak din sa istorya ng PM ang mga kinuhang artista na bumubuo sa cast tulad nina Nova Villa, Ronnie Henares, Chariz Solomon, Jake Vargas, Angel Satsumi, John Feir,

Arthur Solinap, Mosang at Maureen Larrazabal.


Taun-taon ay may summer episode ang PM. Madalas ay sa resort ang taping ng show.


Pero mapapaiba ang summer episode ngayon dahil isasabay na rin ang 15th anniversary ng PM, kaya paghahandaan itong mabuti ng buong cast. 


Pangako nga ni Michael V., dobleng saya ang ibibigay nila sa mga viewers ng PM.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page