top of page
Search
BULGAR

Namataan sa Northern Samar.. LPA, magdudulot ng mga pag-ulan sa Sorsogon, 7 pang lugar — PAGASA

ni Lolet Abania | June 5, 2022



Namataan ang isang low pressure-area (LPA) na magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pagbuhos ng ulan at thunderstorms sa buong Sorsogon, Masbate, Romblon, Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, BARMM, at Visayas, ayon sa PAGASA ngayong Linggo.


Batay sa 4PM weather report ng PAGASA, ngayong alas-3:00 ng hapon ang LPA ay matatagpuan sa layong 30 km west-northwest ng Catarman, Northern Samar.


Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides, mula sa katamtaman hanggang sa paminsang malakas na pag-ulan sa mga lugar na apektado ng LPA.


Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pagbuhos ng ulan o thunderstorms.


Pinayuhan din ang mga residente na mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides na maaaring maranasan sa severe thunderstorms.


Ayon pa sa PAGASA, “wind speed forecast for the western section of the country is light to moderate moving southwest to south, while coastal waters will be slight to moderate, with waves ranging from 0.8 to 2.1 meters high.”


Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin na kumikilos southeast patungong southwest, habang ang mga coastal waters ay magiging mahina na may pag-alon na papalo mula 0.8 hanggang 2.1 metro ang taas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page