top of page
Search
BULGAR

Nalagasan ng ngipin, babala na hihina ang kalusugan

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | January 23, 2021



Salaminin natin ang panaginip ni Rowena na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Bakit madalas akong managinip ng nalalagasan ng ngipin?


Kagabi, napanaginipan kong natanggal ‘yung bulok na ngipin ko, tapos pagkakita ko sa ngipin, ang daming uod na puti at naggagalawan, gayundin, payat ang mga ito.


Tapos nakita akong patay ako sa panaginip ko. Hinihila ako ng bata, tapos lumapit ako at pagtingin ko sa aking sarili, patay nga ako at naging mannequin ako. Ano ang ibig sabihin ng mga nakakatakot na panaginip kong ito?


Naghihintay,

Rowena


Sa iyo, Rowena,


Malinaw na malinaw na ang iyong panaginip ay nagbababala ng paghina ng kalusugan mo, kaya puwede kang magkasakit in a day or two.


Mangyayari lamang ito kung hindi mo pakikinggan ang babala ng panaginip mo. Dahil dito, narito ang ilang paalala para sa iyo:

  1. Humihina ang im-mune system ng dahil sa pagpupuyat.

  2. Magkakasakit ang tao dahil sa wala sa lugar na pagdidiyeta.

  3. Ang kakulangan sa ehersisyo ay malakas makapanghina ng katawan.

  4. Ang pagkain ng mga walang kuwentang pagkain ay sanhi ng sangkatutak na karamdaman.

  5. Ang kulang sa saya ay magkakasakit.

  6. Ang kulang sa paki-kipagsosyalan ay hihina rin ang katawan dahil ang pamamalagi sa bahay ay sanhi ng pananamlay.

  7. Ang kinikimkim ang galit at sama ng loob ay dahilan din ng pagkakasakit.

  8. Ang bihirang umawit o kumanta kapag nag-iisa ay puwedeng pagsimulan ng paghina ng resistensiya.


Maaring narinig mo na ang lahat ng nasa itaas maliban sa huli. Ang totoo nga, sa una hanggang sa ika-pito ay epektibo sa maraming tao, pero kung magkataon na walang bisa ito sa iyo, ikonsidera mo ang huli.


Umawit ka kapag ikaw ay nag-iisa. Gawin mo, dahil ang mahirap paniwalaang ito ay ikagugulat mo kung saan mabisa palang panlaban sa anumang karamdaman ang pag-awit kahit nag-iisa.


Bakit kaya ang maitatanong mo sa iyong sarili? Ang sagot ay dahil “Music has a healing properties.”


Muli, umawit ka kapag ikaw ay nag-iisa! Kung dadapuan ka ng sakit, hindi na ito matutuloy at kung may natatago kang karamdaman, puwede kang gumaling.


Super beneficial ang music sa mga may mahinang immune system.


Kaya umawit ka kapag nag-iisa ka! Hindi naman mahalaga kung sintunado ka o hindi dahil kapag nag-iisa ka, wala ring ma-karirinig sa iyo kapag mali ang pagkanta mo.


At pagkatapos mong umawit, makikita at mararamdaman mo na “There is magic in music.”


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page