ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 18, 2021
Nag-tweet si Karen Davila ng sagot niya sa tanong ng netizen tungkol sa mga ini-interview niyang politicians.
Say ng premyadong broadcast journalist, “I was just asked how much do I charge for politicians to be featured on YouTube channel.
“NO, I DO NOT GET PAID TO FEATURE OR INTERVIEW POLITICIANS.
“Salamat po! Good evening.”
Todo-react naman ang ilang netizens at ilan pa ang naghahamon na ilabas ang resibo ng nagtanong. Duda pa nila ay baka raw nakikisakay lang si Karen sa isyu ni Toni Gonzaga na nasa hot seat pa rin dahil sa vlog about ex-Senator Bongbong Marcos.
Opinyon ng mga mapanuring netizens:
“In fairness, kahit sa news, hindi siya tumatanggap at naniniwala ako ru’n. So ‘yung mga nag-i-interview pala ng politicians ngayon, ‘yung iba, may lagay. Ahahaha! Kadiri.”
“Matagal nang may bayad ‘yang mga ‘yan. Usually, for publicity or campaign. It stated in the US. There was an article (and in some books) on how the father of late Pres. John Kennedy spent a lot of money to promote him to be a presidential nominee, and we all know the rest. Even that to be on the cover of Time magazine, mayroon din, they call it donation.”
“Donation sa channel, radio station, show.... pero some journalists/reporters refuse to be bribed/get paid naman. I know that for sure nu’ng nag-intern ako sa isang radio station dati during elections. ‘Yung ibang politicians naman, may pakain sa lahat ng staff even us interns as pa-thank you kuno.”
“May nagtatanong ba talaga o nakiki-ride lang sa issue kay Toni G?”
“Dahil parehas sila ni Toni na nag-i-interview ng personalities, I bet my 50 pesos kahit 1% lang, eh, may magtatanong na netizen. Imposibleng wala. Good for her to clarify it as early as now.”
“She should not be a newscaster or news anchor. Parang lagi siyang naghahabol ng hininga niya. And her very hoarse voice is so bad to listen to.”
“Hindi naman voice quality ang habol sa news reporting kundi delivery at punchy ang words na may sense. Kung gusto mo ng magandang boses, makinig ka sa FM.”
“Basta if you interview the current admin, the Marcoses, the trapos, & members of political dynasties, I hope you burn them to the ground. No mercy dapat.”
“Show receipt nga kung may nagtanong talaga?”
“Sa YouTube views kasi siya nakakabawi.”
“Meron kasing mga corrupt na journalists. Karen's disclosure that she's not paid for is relevant.”
“Kaso nga lang, ang hilig ni Karen makipagsosyalan sa mga celebs at pulitiko na madalas sa headline. There is inherent conflict of interest when you are a journalist when you keep in check these same personalities who are your friends. It's just human nature for one to temper down when the going gets tough.”
Samantala, ngayong Sabado, may kaabang-abang sa kanyang YouTube channel.
Sa IG post ni Karen, ipinasilip niya ang maikling video na may caption na, “EXCLUSIVE!! Gaano nga ba talaga kasimple ang buhay at bahay ni Vice-President Leni Robredo? “This SATURDAY, Sept. 18, 7PM - @bise_leni opens her home for the first time in the almost 6 years she is in office!”
Tiyak na marami pa tayong malalaman tungkol kay VP Leni na malamang, ‘yung iba ay ngayon pa lang mairi-reveal.
Comments