ni Imee Marcos @Imeesolusyon | November 9, 2023
Ika-10 taon na o isang dekada ng paggunita sa mabalasik na pananalanta ng Super Typhoon Yolanda. Nasa 6,000 buhay ang nalagas at milyun-milyon ang naapektuhan.
Nasa P95.48 billion ang damage nito at ang Super Bagyong Yolanda ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan sa buong mundo na nakapagtala ng super lakas na hanging 315 kilometers per hour.
Kasama ang ating mga kaanak at mga kaibigan sa mga nabiktima ng Yolanda. Makalipas ang isang dekada, ano na nga ba ang nagawa para sa ating Yolanda victims?
Sa rami ng mga hanash ngayon sa pulitika, araw ngayon ng pag-aalala para muling silipin ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Yolanda. Kaysa ngumangakngak tayo at ubusin ang oras ng mga pulitiko sa mga pagtatanggal ng kung sinu-sino sa puwesto...
Abah, please isantabi na muna ‘yan. Araw ngayon upang muli nating balikan ang mahal nating mga kababayan para buhayin ang pagtulong sa kanilang abang kalagayan.
IMEEsolusyon ngayon ang kailangan nila, partikular na sa mga pabahay.
Kung sisilipin kasi natin, IMEEsolusyon na muli nating ayusin ang mga nakatenggang mga pabahay o housing units na ayon nga sa balita, maraming pabahay na hindi pa rin natitirahan hanggang ngayon.
Bakit kamo? Eh, biruin n’yo naman wala pa ring maayos na patubig sa lugar o sa mga housing units. Eh, sino ba naman ang gugustuhing lumipat doon, ‘di bah? Kaya nga IMEEsolusyon din na patutukan na natin ‘yang mga supply ng tubig at water pipes sa lugar at mga supply din ng kuryente.
Take note, ang Yolanda disaster ang isa sa pinakamatinding delubyong dumale sa ating bansa, kaya naman IMEEsolusyon na maiwasang mabiktima ulit tayo nito, kailangang pagbutihin natin ang ating disaster resilience. Magpokus din tayo sa ating climate change.
IMEEsolusyon sa buong bansa na gumawa ng mga hakbang para mabawasan ang mga epekto ng mga fossil fuel plants na nakasisira ng ating atmosphere. Hingin natin ang payo ng ating mga environmentalist at kanilang mungkahi para maprotektahan tayo sa mga sakuna o disaster.
IMEEsolusyon rin na tuwing may disaster, mas bilisan pa ng mga LGUs at ating ibat ibang ahensya ang pagtugon sa pinakamadaling panahon lalo na sa mga relokasyon ng mga biktima ng mga sakuna.
Ang mga bagay na ito ang dapat na unahin ng ating mga kasamahan sa gobyerno. Plis lang, reminder ang YOLANDA Ground Zero, para maiwasan ‘yang mangyari muli sa atin.
Pakiusap sa mga kapwa kong mga taga-gobyerno, iwas muna sa pangwawakwak ng ating kapwa pulitiko, magkaisa tayo sa mga problema sa pagkain, kabuhayan o pagkakakitaan, proteksyon sa mga sakuna nating lahat! Agree?!
Comments