top of page
Search
BULGAR

Nakapagtala ang SSS ng 2.4M bagong miyembro

ni Fely Ng @Bulgarific | Sep. 29, 2024



LAB FOR ALL

Hello, Bulgarians! Ayon kay Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na ang SSS ay nasa track para sa record-setting year ng pagpaparehistro ng mga bagong miyembro matapos itong umani ng 2.4 milyong bagong rehistro noong Hulyo 2024.


Sa isang press briefing, iniulat ni Macasaet na ang bilang ng mga bagong miyembro ng SSS mula Enero hanggang Hulyo 2024 ay tumaas ng 165 porsyento hanggang 2.4 milyon mula sa 923,000 na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.


“SSS took the challenge and even went the extra mile. In the first six months, we hit our year’s target of two million new members, a positive result of our massive membership and coverage drives throughout the country,” saad ni Macasaet.


Binigyang-diin ni Macasaet na ang milestone na ito ay sumasalamin sa pangako ng SSS na palawakin ang pagiging miyembro nito at maabot ang lahat ng nagtatrabahong

Pilipino.


“The implications of this record membership are profound because it means more Filipinos will have access to a comprehensive set of social security benefits from SSS. The social security protection offered by SSS can help safeguard the financial well-being of Filipino families, particularly during times of uncertainty,” dagdag pa ni Macasaet.

Iniulat ng SSS Executive Vice President para sa Branch Operations Sector na si Voltaire P. Agas na ang pinakamataas na bilang ng mga bagong miyembro ay nagmula sa mga naunang nagparehistro, na may kabuuang 1.2 milyon. Ang mga naunang nagparehistro ay mga indibidwal na mayroon nang mga numero ng SS ngunit hindi pa naiulat bilang mga empleyado o self-employed na miyembro.

“We observed a significant increase in new self-employed members, which surged by 273 percent—from 112,000 in 2023 to 419,000 in 2024. Additionally, the number of new OFW members more than doubled, rising to 10,300 in 2024 from just over 5,000 last year,” paliwanag ni Agas.


Ipinakita sa datos na naitala ng Luzon ang pinakamataas na bilang ng mga bagong miyembro, na may higit sa 882,000. Pumangalawa ang National Capital Region (NCR) na may mahigit 693,000 bagong enrollees. Sumunod ang Mindanao at Visayas na may 436,000 at 417,000, ayon sa pagkakasunod. Samantala, mahigit 10,000 bagong miyembro ang nagmula sa mga internasyonal na operasyon.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page