ni Gerard Peter - @Sports | October 19, 2020
Hindi naging matagumpay sa kanyang kauna-unahang salta sa Ultimate Fighting Championship (UFC) si 2019 Southeast Asian Games Combat Sambo gold medalist Mark “Mugen” Striegl matapos malasap ang 1st round knockout laban kau Said Nurmagomedov ng Russia sa kanilang bantamweight preliminary undercard fight, kahapon sa UFC Fight Night sa Flash Forum Arena sa Yas Island, Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Tinamaan ng isang kaliwang counter punch ang 32-anyos mula Baguio City upang mapabagsak ito hanggang sa tapusin ng Dagestani fighter sa pamamagitan ng ground and pound sa 51 seconds ng unang round. Walang nagawa si Striegl sa mga serye ng suntok na patama ng 28-anyos na Makhachkala, Russia-native, kung kaya’t sumaklolo na si referee Lukasz Bosacki upang ihinto ang laban.
“I feel great,” wika ni Nurmagomedov matapos ang laban. “I didn’t have to et injured or anything, it was over very quick. I have great balance. I’m good on the ground,” dagdag ng dating AFC Bantamweight champion sa undercard match ng main event fight nina Brian “T-City” Ortega (14-1-1) at “The Korean Zombie” Chan Sung Jung (16-5) ng South Korea, na nagresulta naman sa unanimous decision sa una.
Wala sa plano ng dating Universal Reality Combat Championship (URCC) featherweight champion na mabigo sa kanyang UFC-debut kasunod ng pagwawagi nito laban naman sa novel coronavirus disease (Covid-19) nitong nakalipas na Agosto, na nakatakda sanang sumabak sa unang laban sa Ruso ding si Timor Valiev na natalo naman sa kapalit ni Striegl na Trevin Jones sa pamamagitan ng knockout, ngunit kalauna’y pinatawan ng No Contest matapos magpositibo sa Marijuana ang American fighter.
Naputol ang 5-fight winning streak ni Striegl (18-3-1) na nakuha naman ang ikatlong pagkatalo sa kanyang MMA career dahil sa 2 submissions mula kina Jang Yong Kim ng Korea sa Pacific X-treme Combat dahil sa Kimura armbar at Reece Mclaren ng Australia sa pamamagitan naman ng rear-naked choke sa ONE Championship.
Commentaires