top of page
Search
BULGAR

Nakalabas na si ‘Kristine’, pero mga senatoriable wa’ pa tulong sa typhoon victims

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 27, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

THE BEST SI SEC. GATCHALIAN KASI SIYA ANG NAG-A-ASSESS SA NEEDS NG MGA TYPHOON VICTIM, ‘DI TULAD NG IBANG NAGING DSWD SEC. MGA FEELING BOSSING, UTOS LANG NANG UTOS -- Personal na nagtungo kamakalawa si Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian sa Naga City, Camarines Sur at iba pang lugar sa Bicol Region para magpamigay ng relief goods at in-assess ang iba pang pangangailangan ng mga biktima ng Typhoon Kristine sa rehiyon.

Dahil mismong si Sec. Gatchalian na ang nag-assess, nakatitiyak na ang lahat ng typhoon victims ay mabibigyan ng ayuda ng ahensya.


Sa mga naging DSWD head, si Sec. Gatchalian talaga ang pinaka-the best kasi siya ang personal na nag-a-assess ng mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo at baha, hindi tulad ng ibang naging secretary ng ahensya na mga feeling bossing na iniuutos lang sa mga tauhan ang pagpapadala ng relief goods sa mga naging biktima ng kalamidad.


Para kay Sec. Gatchalian, saludo sa iyo ang sambayanan, period!


XXX


DATI ‘NASAAN NA ANG PANGULO,’ NGAYON ‘NASAAN NA ANG MGA NAGSIPAG-FILE NG COC FOR SENATOR NA GUSTO RAW TUMULONG’? -- Dati kapag may nanalasang bagyo sa bansa at hindi agad nagpakita ang presidente, nagba-viral sa social media ang hashtag na, “Nasaan ang pangulo?” pero sa nagdaang Bagyong Kristine, ito na ang trending sa social media: “Nasaan na kaya ‘yung mga nag-file ng certificate of candidacy (COC) for senator na gusto raw tumulong?” Hinahanap na sila ng mga typhoon victim.


Nakalabas na kasi ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Kristine, pero ‘yung mga senatoriable, eh hanggang ngayon ni-anino hindi makita sa mga evacuation center sa Bicol, tsk!


XXX


MALALAKAS NA SENATORIABLES SA SURVEY, KAPAG ‘DI TUMULONG SA MGA BIKTIMA NG BAGYO AT BAHA, ‘PAHINAIN’, IBASURA SA HALALAN -- Ayon sa PAGASA, malaki raw ang posibilidad na umikot pabalik sa Pilipinas ang Typhoon Kristine.

Kaya kapag nakabalik na ang Typhoon Kristine sa ‘Pinas para manalasa uli, tapos ‘yung mga “malalakas” na kandidato sa pagka-senador na laging pasok sa top 12 senatorial survey ay mga hindi nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo at baha sa Bicol, aba’y isa lang ang dapat gawin ng mga Bikolano at Bikolana, ‘pahinain’ ang kanilang kandidatura, ibasura silang lahat sa eleksyon next year, boom!


XXX


DAPAT IUTOS NG DTI PABABAIN ANG PRESYO, HINDI I-FREEZE LANG -- Ipinag-utos ni Dept. of Trade and Industry (DTI) Sec. Ma. Cristina Roque ang pag-freeze o pagpapanatili sa presyo ng lahat ng bilihin sa mga lugar kung saan may nakadeklarang state of calamity dulot ng Bagyong Kristine.


Pambihira naman, bakit pag-freeze lang? Sa totoo lang, kahit naka-freeze ay mahal pa rin ang presyo ng lahat ng bilihin, kaya’t ang dapat na iniutos ng DTI sa lahat ng pamilihan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo ay ibaba ang presyo, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page