ni Jasmin Joy Evangelista | September 10, 2021
Nakatanggap ang Pilipinas ng kabuuang 502,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines nitong Biyernes, Setyembre 10.
Binili ang mga ito ng pribadong sektor sa ilalim ng "A Dose of Hope" program.
Ayon sa National Task Force Against Covid-19, ang bagong batch ng AstraZeneca vacccines ay nakalaan para sa pribadong sektor upang mapabilis pa ang pagbabakuna ng mga economic frontliner.
Samantala, sa 13.8 million na mga indibidwal na nakatanggap ng kumpletong bakuna, 242 o 0.0017% lang ang nagpositibo sa COVID-19 matapos mabakunahan.
Kaya hinihikayat ng pamahalaan ang lahat ng eligible na indibidwal na magpabakuna para maprotektahan ang sarili laban sa virus.
Sakaling makaramdam ng adverse reactions matapos bakunahan, hinihikayat ng DOH at FDA na i-report ito sa FDA website o sa inyong City Health Office (CHO).
Comments