ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 2, 2023
Marami ang dismayado sa ginawang panlalaglag ni Ricci Rivero sa ex-GF niyang si Andrea Brillantes. Napaka-ungentleman ng ginawa ni Ricci at pinalalabas pa na si Andrea ang naghahabol at patay na patay sa kanya.
Well, ang tunay na lalaki ay hindi madaldal, lalo na sa aspetong personal. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman sila dati ni Andrea. Hindi na niya dapat na ibinubunyag sa publiko na pinupuntahan siya ng young actress sa kanyang condo nang madaling-araw para makipagbalikan.
Mas karespe-respeto pa sana si Ricci Rivero kung nanahimik na lang siya at hindi niya inilaglag ang ex-GF.
Nakakatakot na maging karelasyon ang katulad ni Ricci na kiss and tell na, ungentleman pa.
Well, baka naman gusto ni Ricci ng publicity at patuloy siyang pinag-uusapan? In a way ay nagagamit pa rin niya si Andrea.
Dapat ay ang husay na lang niya bilang basketbolista ang ipagmalaki ni Ricci at hindi ang kanyang love life ang bigyan niya ng atensiyon.
Comments