top of page
Search
  • BULGAR

Nakakainip daw gumawa ng batas… RUFA MAE, PINATATAKBONG SENADOR, ATRAS

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 4, 2024



Showbiz News

Happily married si Rufa Mae Quinto at walang isyu sa pagsasama nila ng Fil-Am na mister na si Trevor Magallanes, isang financial analyst sa USA.


Pero kaya nagbalik si Peachy (palayaw ni RMQ) sa paggawa ng pelikula via I Am Mujigae ay dahil gusto at kasundo niya ang direktor nitong si Randolph Longjas na naging direktor din niya sa dalawang pelikula — ang Comedy Island at Last One Laughing at maging ang production team ng UxS (Unitel x Straightshooters) na bumuo sa I Am Mujigae.


At nu'ng malaman din niya ang cast na pinangungunahan nina Ryrie Sophia, Alexa Ilacad, Korean actor na si Kim Ji-soo, Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala at Peewee O'Hara, 'di na raw siya nagdalawang-isip dahil importante sa kanya 'yung good vibes sa set at hindi siya mag-uuwi ng 'heavy baggage' after shooting.


Inamin ni Rufa Mae na muntik na nga siyang umalis sa showbiz nu'ng mag-asawa siya, pero dahil mismong si Trevor ang nagsabi sa kanya na ituloy lang ang showbiz career niya dahil maligaya siya sa kanyang ginagawa, nag-"go-go-go" pa rin siya. Kaya bukod sa acting, nagho-hosting din si Rufa Mae sa It's Showtime nang 3 times a week.


Very supportive naman ang mister sa showbiz career ni Rufa Mae. Ang kondisyon lang daw nito, 'wag madadamay sa mga intriga ang pamilya ni Trevor dahil very private sila sa kanilang personal life. 


Kaya maging ang nag-iisang anak nina Peachy at Trevor na si Athena, hindi pinagso-showbiz ng comedienne.


Anyway, dahil usung-uso ang mga celebrities ngayon na nagpa-file ng COC (Certificate of Candidacy), tinanong namin si Rufa Mae kung binalak din ba niyang pumasok sa pulitika o may nag-offer din ba sa kanyang tumakbo?


Sagot niya, "Marami, pero hindi ko gusto. I mean, hindi pa."


Para sa anong position?


"Marami. Meron ngang Senate, eh, pero nakakainip kasi alam mo 'yun, 'yun lang ginagawa, puro batas," seryosong sagot nito pero knowing her, alam naming nagpapatawa lang siya.


Samantala, napanood namin ang trailer ng I Am Mujigae na showing na sa October 9 mula sa Unitel at Straightshooters Productions sa ginanap na grand mediacon nito last Wednesday night.


Sobrang charming ng batang bida rito na si Ryrie Sophia na gumaganap na Mujigae at ang sarap-sarap niyang panoorin sa movie na marami ring drama scenes with Alexa Ilacad kaya tiyak na kukurot sa puso ng manonood ang pelikula lalo na't pampamilya ang istoryang ito.


Sabi nga ng cast, director at mga producers, maraming ina, gustong maging ina, ayaw maging ina at nagpapaka-ina ang makaka-relate sa istorya ng I Am Mujigae, kaya sana ay tangkilikin ng ating mga kababayan simula sa October 9 sa mga sinehan nationwide.


 

KUNG may hinahangaan pala si Heart Evangelista sa pagiging "Reyna ng Kagandahan", 'yun ay walang iba kundi si Gretchen Barretto.


Napanood namin ang video-reels ni Heart habang sakay ng luxury car patungo sa last fashion show na pupuntahan niya sa Paris Fashion Week kung saan kasama niya ang kanyang glam team.


Super-daldal ni Heart habang nasa kotse at ang taas ng energy. 


Nang makita niya ang picture ni Gretchen mula sa cellphone ng isa sa kanyang glam team, paulit-ulit na pinuri ni Heart ang kagandahan ng aktres at tinawag na "Queen Bee" (or Queen B?) ang aktres.


Unang dinig nga namin ay "Queen P", kaya akala tuloy namin ay si Pia Wurtzbach ang tinutukoy niya, pero "Queen Bee" pala.

Naku, teka, baka gawin na namang isyu 'yan ng kampo ni Pia, hehe!


 

BLIND ITEM: Ang sweet naman kasi kaya winner ang byuti… 

SIKAT NA TV HOST, NA-DEVELOP SA CO-HOST NA TAGA-SUPPLY NIYA NG BABAE, DYINOWA 


BLIND ITEM:

HINDI pala talaga love at first sight ang nangyari sa pagitan ng sikat na TV host at ng kanyang sexy co-host kundi nagka-develop-an na lang.


Kuwento kasi ng aming reliable source, nu'ng una ay si seksing co-host ang 'tagapagpakilala' kay sikat na TV host ng mga babaeng nakakasama ng huli sa isang gabi lang.


Pero kalaunan, na-develop na nga si sikat na TV host kay seksing co-host dahil bukod sa mabait, very sweet at maalaga raw si girl at may kakaibang style sa pag-aasikaso sa guy.


Ang ending, naging sila naman at tumagal din nang ilang taon kahit 'di nila ito inaamin, pero ngayon ay hiwalay na rin daw ang dalawa dahil sa pagiging sobrang selosa ng seksing co-host.



0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page