top of page
Search
  • BULGAR

Nakakabulaga ba?! VICE, BINATI NU'NG B-DAY NG EB! HOSTS

ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 2, 2023




Masaya si Vice Ganda dahil hindi niya akalaing babatiin siya ng mga hosts ng rival show na Eat… Bulaga!.


Nag-celebrate kasi siya ng kanyang kaarawan nitong nakaraang March 31. Maraming celebrities ang nag-greet sa Unkabogable Phenomenal Star sa kanyang social media account sa pangunguna ng mga close friends at co-hosts niya rin sa It's Showtime na sina Anne Curtis at Vhong Navarro.


Pero talagang nasorpresa si Vice nang batiin siya ng mga hosts ng katapat na noontime show na Eat… Bulaga! on air.


Nagsimula ito nang batiin ni Joey de Leon ang kanyang ina sa EB!, tapos ay isinunod naman ang pagbati ng "Happy Birthday" kay Vice.


Super happy naman si Vice nang makarating ang pagbati na ito sa kanya at agad niyang pinasalamatan ang Eat… Bulaga! habang on-air din ang It's Showtime.


"I'm so happy. Binati nila ako ng 'Happy Birthday' sa Eat… Bulaga!. Thank you very much kay Tito Joey (de Leon).


"'Sir Joey de Leon, maraming-maraming salamat.' Binati nila ako ru'n, ang saya!" pasasalamat ni Vice sa mga Dabarkads hosts.


"Mabuhay kayo, Eat… Bulaga!. More years to come. I love you. I love you, mga Dabarkads. I love you, Eat… Bulaga!" sambit pa ni Vice.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page