top of page
Search
  • BULGAR

Naka-jackpot sa tatay ng anak… ANGELICA SA MISTER: MY ANSWERED PRAYER!

ni Julie Bonifacio @Winner | September 9, 2024



Showbiz News

Isang heart-warming birthday message ang ipinost sa Instagram (IG) ni Angelica Panganiban para sa mister niyang si Gregg Homan. 


Pagbati ni Angelica kay Gregg, “Happy birthday to my husband, best friend, my constant, my rare pokemon, my answered prayer. I love doing life with you, Captain Greggy. Adadu forever & ever.” 


Maraming celebrity friends nina Angelica at Gregg ang bumati sa daddy ni Amila Sabile a.k.a. “Bean.” 


Mula kay Judy Ann Santos, “Happy birthday, Daddy Gregg!” 


Sabi ni Cherry Pie Picache, “Happy birthday Greg!!! God’s abundant blessings.” 


Bati naman ni Eugene Domingo, “Happy birthday, Godson!!! @gregg_homan we love you!” 


Pagbati rin ni Iza Calzado, “Happy Birthday, Gregg!!!” 

Message naman ni Ryan Agoncillo, “Happy Birthday @gregg_homan.” 

Bumati rin kay Gregg Homan sina Enchong Dee, Jayson Gainza, at Liz Uy.


 

IPINARATING namin kay Gillian Vicencio ang sinabi ni Kristof Garcia na kahit gusto niyang ligawan ang lead star ng kanilang pelikulang Talahib, hindi na itinuloy ng male star. 


Ayon kay Kristof, may karelasyon si Gillian habang ginagawa nila ang nasabing pelikula.


Napaisip tuloy si Gillian kung may karelasyon nga ba siya nu’ng ginagawa nila ni Kristof ang Talahib


“Hindi, hindi. Wala ngang ipinaparamdam ‘yan (Kristof), Diyos ko! Wala,” natatawa niyang sagot nang makausap namin siya sa gala screening ng Talahib mula sa Feast Foundation.


Tinanong namin si Gillian kung puwede siyang ligawan ni Kristof. 

“Puwede ba?” sabay tawa ni Gillian. 


Sagot niya, “Pera muna. Pera, pera, pera. Magpundar muna, work muna.”

Walang boyfriend si Gillian ngayon, ngunit nagkaroon na siya ng boyfriend dati. 

“Right now, ‘wag muna. Kasi nakakapagod s’ya. Nakaka-drain s’ya,” sabi ni Gillian. 


Sa ngayon, hindi pa rin siya ready tumanggap ng suitors. 

Pahayag ni Gillian, “Uh, darating naman po ‘yun, eh. Kasi kung naayos mo na ang sarili mo, parang buo ka na bilang tao, kusang darating ‘yung mga ganyang bagay. Pero as of now, survival muna ‘yung kailangan nating isipin. Kasi ang hirap ng buhay natin ngayon, ‘di ba?”

Sa puntong ito ng kanyang career, ano pa ang gusto niyang ma-achieve? 


“Ang dami pa. Wala pa ako sa... 'andito pa lang ako sa simula. Ang dami ko pang gustong gawin. Ang dami ko pang gustong ma-achieve. Ang dami ko pang gustong makatrabaho. Ang dami ko pang gustong matutunan sa pag-aakting. So, malayo pa,” sabi niya.


Puring-puri si Gillian ni Direk Alvin Yapan sa kanyang performance sa Talahib. Ilalaban daw ni Direk Alvin si Gillian for Best Actress sa 2024 Sinag Maynila International Film Festival (2024 SMIFF). 


“Siyempre, nakakatuwa ‘yun. Coming from Direk Alvin Yapan, alam naman natin na award-winning director s’ya,” kinikilig na sabi ni Gillian. 


“So, ‘yung makatrabaho pa lang si Direk Alvin, isang malaking karangalan na ‘yun. Tapos ‘yung masabi pa n’ya ‘yun about me. So, nakaka-excite panoorin ‘yung movie namin kasi ngayon ko pa lang ‘yun napanood, tapos, ‘yun.


“Well, hopefully, manalo s’ya ng award. Pero we don’t expect anything para ‘di tayo masaktan, ‘di ba?” diin niya.


Showing na ang Talahib sa SM Cinemas, Robinsons Malls, at Gateway.


0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page