FACE SHIELD, WA' 'WENTA!
ni Julie Bonifacio - @Winner | May 31, 2021
Useless para sa singer-actress na si Agot Isidro ang ordinansa ng gobyerno na pagsusuot ng face shield, ayon sa kanyang pa-hashtag on her Twitter account.
Nagkaroon kasi ng karanasan si Agot na nasita ng isang security guard for not wearing a face shield samantalang may suot na siyang eyeglasses at face mask.
Gayunpaman, kahit may suot na siyang eyeglasses na proteksiyon na rin sa kanyang mga mata at face mask, nagsuot na rin ng face shield si Agot.
Ipinost ni Agot sa kanyang Twitter account ang dalawang piktyur niya. ‘Yung unang piktyur ay nu’ng kuwestiyunin siya ng guard kung nasaan ang kanyang face shield kahit may suot na siyang eyeglasses at face mask.
Sa pangalawang piktyur ni Agot ay may suot na siyang face shield habang naka-eyeglasses and face mask pa rin.
Caption ni Agot sa kanyang ikalawang photo sa Twitter, “O, ano kuya, kulang ka ba sa proteksiyon from me?”
Inalmahan din ng mga netizens ang utos ng gobyerno na pagsusuot ng face shield.
“‘Yung naka-eyeglass ka na, tapos may face shield pa, kaloka. It's not enough pa ba?”
“Hangga’t may kumikita, may face shield. Ang hirap kayang umalis ngayon. Dami mong isusuot sa mukha mo. Ok na sana kahit face mask basta higpitan lang para ‘yung iba, ‘di ibinababa sa baba.”
“Tayo lang ang bansa sa buong mundo na may panuntunan sa face shield. Have we wasted an entire year doing this when no one else would? Or ever will???”
“Pilipinas lang yata ang nagre-require ng face shield pero ang taas pa rin ng daily positive cases.”
‘Yun na.
Коментарі