ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 20, 2021
Nakapagtala ng 175 volcanic earthquakes sa Taal Volcano ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa loob lamang ng nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs, umabot din sa 80 hanggang 100 meter ang taas ng bawat steam-laden plumes galing sa crater ng bulkan at 131 tremors ang naitala na tumagal ng isa hanggang 15 minuto.
Nananatili namang nakataas ang Alert Level 2 at bukod sa volcanic earthquakes, nagbabala rin ang Phivolcs sa minor ash fall.
Nagpaalala rin ang Phivolcs sa lokal na pamahalaan at sa publiko na manatiling handa at huwag lalapit sa permanent danger zone.
Inabisuhan din ng Phivolcs ang mga piloto na huwag lumipad malapit sa bulkan dahil sa abo at mga fragments na inilalabas ng Taal Volcano.
Comments