top of page
Search

Naka-4th win na ang Lady Bulldogs; Ateneo, wagi sa UAAP Volleyball

BULGAR

ni VA / Delle Primo - @Sports | May 13, 2022



Naiposte ng National University (NU) ang ika-4 na sunod nilang panalo matapos igupo ang University of the East (UE) kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 84 women's volleybaĺl tournament sa Mall of Asia Arena.


Dinomina ng Lady Bulldogs ang Lady Warriors para maiposte ang 25-11, 25-20, 25-13 na panalo para manatilìng walang talo na nagsadlak sa Lady Warriors sa kabaligtarang 0-4 na kartada.


"Every team na makakalaban namin, nagpe-prepare kami nang maayos," ani NU Coach Karl Dimaculangan pagkaraang talunin ang dati niyang team.


Si Dimaculangan ang coach ng Lady Warriors noong Season 81 at 82 bago lumipat ng NU. Pinangunahan ni Sheena Toring ang nasabing panalo sa ipinoste nitong 13 puntos mula sa 8 kills, 3 aces at isang block. Gaya ni Toring, tumapos ding may 13 puntos si Ivy Lacsina na kinabibilangan ng 12 hits na sinundan ni Michaela Belen na may 11 puntos, 11 ring digs at 8 excellent receptions.

Samantala, sa ikalawang laro, nakapagtala na ng unang panalo ang Ateneo de Manila University nang walisin ang Far Eastern University (FEU). Nakadagit agad ang Blue Eagles ng three-game slide 25-16, 25-14, 25-14 kontra sa Tamaraws.


Nanggaling ang FEU sa five-set win kontra University of the East, pero hindi nakaporma sa Ateneo. Lagpak sila sa 1-3 win-loss sa torneo, parehong record ng Lady Eagles.


"We're happy na nasa win column na kami," ayon kay Ateneo Coach Oliver Almadro. "I am really happy with what my players did. They responded right away sa challenge ko sa kanila yesterday, and they challenged themselves also."


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page