ni Mercy Lejarde - @Talkies | May 30, 2022
Tipong ang halos lahat ng movie producers ay takot gumawa ng pelikula at magkaroon ng face-to-face preskon simula nang magkaroon ng pandemic.
Maliban of course sa Viva Films na tipong walang takot na magpalabas sa Vivamax online streaming — na halos lahat ay may temang sex — at magpa-face-to-face preskon sa showbiz media, kaya nami-meet namin ang mga baguhang artista sa ngayon in flesh and blood, tulad nina Angeli Khang at Janelle Tee na bigay-todo sa kangkangan scenes nila kina Baron Geisler at Vince Rillon sa pelikulang Pusoy, na ang tema ay may money and sex involved sa kani-kanilang characters sa nasabing pelikula.
Ang ilang nakasama naming katotong nakapanood ng said movie ay nagbiro tuloy na ang dapat daw gawing screen name ni Angeli Khang ay Angeli Pa-Khang-Khang at si Janelle Tee naman ay Janelle Tee-Ti, pero biruan lang naman 'yun and no malice meant, in pernes.
Si Baron nga during the Q&A portion ay nakapagbiro pa sa producer ng Pusoy na si Direk Brillante Mendoza ng mga katagang… "Walanghiya ka! Inisahan mo ako!” with matching loud laughter dahil nga 'di raw niya sukat-akalain 'yung mga sizzling hot love scenes na hubo't hubad with Angeli at Janelle, pero naka-plaster naman daw ang kani-kanilang sex organs kaya nagkatawanan ang lahat na present sa nasabing press screening just a few days ago.
At dahil nga ang Pusoy movie ay may kinalaman sa pera at forbidden sex ay natanong ni yours truly sina Angeli Khang at Janelle Tee ng “Do you believe that money is the root of all evil? At ginawa n'yo ba ang said movie because of money?”
Ang sagot ni Janelle na natatawa dahil para raw silang nasa Q&A portion ng isang beauty pageant ay… "Thank you for your wonderful question, hahaha! Well, yes, money is the root of all evil but money can also be used in our daily needs, 'di ba, so it is just a matter of what are we going to do or intention to use the money, 'yun.”
“I think, money is the root of all evil kasi money is talagang totoo na it can rule us, lalung-lalo na 'pag sobrang kailangan natin like what we saw in the movie. But I also think that money is there para i-balance tayo sa life, kasi when everything is free, 'pag may nakukuha kang ano in a person, parang gustung-gusto mo pa, hindi mo makontrol ang sarili mo… Yeah, I think money also balances everything kaya it is also the root of all evil,” katwiran naman ni Angeli.
'Niwey, itong Pusoy movie ay nagsimula nang ipalabas nito lang May 27, 2022 sa Vivamax at mapapanood pa rin sa Hongkong, Thailand, Taiwan, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, USA, Middle East at Europe.
Oh, taray ng Vivamax ni Boss Vic del Rosario of Viva Films 'coz kopo niya halos buong Asia kundi man all over the world.
Talagang true nga ang sabi ng isang dyunak niya na may balls ang erpat niya para marami nga naman siyang natutulungan na kumita ng pera lalo na sa mga belong sa movie or showbiz industry to restore our finances mereseng may pandemya…boom, ganern!
At sana all para bumongga uli ang ating showbiz industry.
Comments