ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 21, 2023

Kamakailan lang umamin si Pokwang na may ibang babae ang ex-partner niyang si Lee O'Brian, ama ng anak niyang si Malia, kaya sila naghiwalay noong nakaraang taon pa.
Sa pagkakaalam namin ay maayos na naghiwalay sina Pokwang at Lee lalo’t co-parenting sila kay Malia at kapag nasa locked-in shoot ang komedyana ay ang ex-partner niya ang nagbabantay sa anak nila.
Nu’ng isang araw ay nagdiwang ng 5th birthday niya si Malia at base sa mga video posts ni Pokwang ay hindi nahagip ng kamera si Lee na dati naman ay kasama nila.
Mukhang hindi in good terms ngayon sina Pokwang at Lee dahil may post ang una sa IG Stories niya nitong Huwebes nang gabi ng larawan niyang seryoso ang mukha.
Aniya, “Nang makita mo ipinalit sa 'yo ng ex mo. Huh? Akala ko ba ako na ang chaka? Bwahahahahaha, ang cheap!!!”
May hugot din siyang, “VIRGO SINGLE MOM, Territorial ako! Ikaw din ba? Disconnect ka sa buhay namin then start your own! Ganyan mga single Virgo mom, ERASE, DELETE, START AGAIN THEN FIGHT!!!!”
Kaya pala wala na si Lee sa mga posts ni Pokwang na kasama ang anak ay dahil deleted na.
Sinundan din ito ng larawan ni Malia na yakap ang regalong puppy ng ina na noong una, ang caption ay, “Masaya naman siya” na ibig sabihin ay nagustuhan ng bagets, pero napalitan na ito ng, “Deleted some people from my life and we welcome this cutie na mas tao pa ang puso thank you @jcdogrepublic.petsalon @jcdogrepublic love you.”
Ipinost din ni Pokie ang dating Facebook page nila ni Lee na PokLee Food Products.
Ang caption niya, “PAALALA. One year na wala ang Poklee Food products, sarado na po ito at ‘wag na po kayo mag-message or umorder ng aming produkto sa messenger, sa Shopee at Lazada dahil ibang brand po (ang) ide-deliver sa inyo, PLEASE! Magbasa kayo tapos magagalit kayo kapag na-scam kayo! Matagal na wala 'yan po.
@mamangpokwangs_gourmet na ang aming produkto, 'yan po ang legit now sa FB at IG po, maraming salamat po.”
Sa madaling salita, galit nga si Pokwang dahil marami na siyang hugot ngayon kumpara dati.
Bukas ang BULGAR para sa panig ni Lee O’Brian.
Comments