top of page
Search
BULGAR

Nainip sa late na nurse… ROBIN, NAG-SWAB TEST NG SARILI

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 25, 2021




Lagot ang nurse na dapat magsu-swab test kay Robin Padilla kasama ang mga kaanak at katrabaho niya dahil late dumating.


Hindi na siya nahintay ng aktor kaya sila-sila na lang mismo ang nag-swab test sa sarili nila since kumpleto sila sa gamit.


Ano'ng oras kaya ang call time ng nurse? Baka naman kasi malayo ang pinanggalingan, tapos ang aga pa yata ng call time niya. Imagine, 6 AM, on the go na sina Robin?


Anyway, ang caption ni Robin sa video post niya na ipinakita kung paano nila ginawa ang swab testing: “6 ng umaga mag-umpisa na kami ng trabaho pero wala pa ang nurse. Hindi dahilan sa mga mandaragat ang walang nurse, kailangan isagawa ang Covid test, basta isaksak mo ang swab stick hanggang sa dulo at makiliti mo ang utak mo, at kapag naluha ka na, tsaka mo iikot ng 5 hanggang 8 segundo, ‘yun na raw ‘yun.


"Abbot antigen test courtesy of Pareng Kiko.”


In fairness, walang nang-bash kay Robin sa ginawa niya at naka-relate pa ang iba.


Sabi ni @leoniep72, @robinhoodpadilla Ganyan sa work ko, self swab test every week. Hello po, good mornite.”


Komento naman ni @thedelbacho, “Self service swab, winner ‘to!”


Naaliw naman si Mariel Rodriguez-Padilla sa asawa habang kinakalikot ang butas ng ilong.


“Hahahahaha Babe you are so funny, makiliti ang utak mo, hehe,” komento nito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page