top of page
Search
BULGAR

Naimpluwensiyahan ni Mayor Vico... ANGELU, JOIN NA RIN SA PULITIKA SA 2022

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 23, 2021




Ang daming pinakawalang revelations ni Angelu de Leon nu'ng maging special guest namin sa BULGAR's online show na #CelebrityBTS Bulgaran Na with Ateng Janice Navida sa Facebook Live last Saturday.


Unahin na natin ang bali-balitang pagpasok niya sa pulitika. Makikita sa socmed account ni Angelu ang ginagawa niyang community pantry sa Pasig City.


"Matagal pa ang filing. Sa October pa yata ang filing, 'di ba?" sabi ni Angelu.


Although, inamin ni Angelu that she's considering entering the political arena.


Aniya, "Yes, I think, it's always been there. Basta ngayon, kung ano lang 'yung kaya kong gawin. 'Yun, kapag may tumawag, may ‘Nagko-community pantry kami rito,’ more of 'yun ang ginagawa namin dito. Okey, tutulong kung meron, 'di ba? Naghahanap kami ng sponsors, hahaha!"


Kuwento pa niya, nu’ng huling nagbaha sa Pasig, sobra siyang natuwa kasi when she reached out sa kanyang mga friends, ang daming nagbahagi ng tulong sa kanila para makapagbigay ng mga packed meals sa mga barangay. Bagama't noon pa man daw ay lagi na siyang tumutulong.


Tinanong siya ni Ateng Janice kung ano ang nagtulak sa kanya para lawakan ang ginagawa niyang pagtulong at kung na-inspire ba siya sa ginagawa ni Pasig City Mayor Vico Sotto?


Aniya, "Hindi naman natin puwedeng sabihing hindi. Kasi totoo naman 'yung part na because of the good governance that… posible because of Mayor Vico. Tapos, ang dami na rin nating nakikita na mga officials na you know, vying talaga for good governance. Mai-insipire ka talaga at sasabihin mo, 'I want to be a part of that.'


"Gusto kong maging legacy sa mga anak ko na nu'ng na-sail 'yung boat ng good governance, I wanted to make sure that I'll be a part of it. I'll support it, 'di ba? 'Yun 'yung maganda kasi, kung sa Pasig, ha, gagawin ko, 'Ay, gusto kong sumagwan sa umaagos na pag-asa.' Ang bongga-bongga nu'n. Hahaha!


"Think this is the era, I mean, nakikita naman natin na nandoon na tayo sa era na… wala akong minamaliit... You have to give credit to where credit is due. Pero 'yun lang ang gusto kong ipakita sa mga anak ko na the legacy that I wanted to be part of something. Kasi para sa kanila na 'yun, eh, hindi na para sa akin. Kumbaga, ‘yung sa akin, nu'ng ginawa ng Mommy (Flora) ko 'yung mga pagtulong niya, nakikita mong out of her abundance, eh. So, ikaw ngayon, gusto mo, 'Heto na, halika na,' 'di ba?"


Incidentally, it's the eve of Angelu's 42nd birthday nu'ng pagbigyan niya ang #CelebrityBTS Bulgaran Na na mainterbyu siya nang live.


Two years ago, bonggang nai-celebrate niya ang kanyang birthday. Mabuti raw at nakapag-celebrate siya dahil after that, nagkaroon na ng pandemya sa bansa.


Sey pa ni Angelu, "So ngayon, it's all about giving back. Kasi nga ngayon, bukod sa birthday mo, hindi mo maiaalis, may pandemic, may mga nangangailangan. So, talagang as much as makakayang tumulong, 'di ba? Tutulong, parang ganoon."


Tiniyak naman ni Angelu sa amin na maayos nilang naisasagawa ang kanyang community pantry.


"Talaga namang nag-iingat tayo kasi nga as much as, I mean, may mga ganoon mang kontrobersiya, hindi mo naman masisisi talaga roon sa tao. So, for me, kung ano lang talaga 'yung dapat na sinasabi ng batas, 'yung sa IATF, kailangang sundin. Kailangan siyang pag-aralan din. Pero alam mo, marami pa rin naman ang sumusunod.


"Madali namang kausapin ang mga tao kapag sinabing kailangan may social distancing, kailangan, may mask, ganu’n. Hindi tayo nahihirapan kapag nagko-community pantry. Minsan nga, ako na rin 'yung nagiging marshal like naninita ako sa mga walang suot na face mask."


Kahit pumasok daw siya sa pulitika, never niyang iiwan ang showbiz. Dapat naman, kasi may mga nagre-request na gumawa sila ng movie nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto.


Aniya, "I'm not sure but as of the moment, wala pa. Pero if it could happen, lahat naman kami umaasa... magandang istorya, ‘di ba? Tapos, mabuhay ang ‘90s. Hahaha! Mabubuhay ang dugo ng mga ‘90s."


Pero bago ang movie with her co-young superstars noong dekada '90, mukhang mauuna muna ang reunion ng TGIS.


"Well, it has always been there sa mga pinag-uusapan, lalo na nu'ng nag-25th kami last year. Now, 26 na."


Sa ngayon, natapos na ni Angelu ang series na 'Di Na Muli with Julia Barretto, Marco Gumabao, Mickey Ferriols, Baron Geisler and Marco Gallo na ipapalabas sa TV5.


We asked Angelu kung kumusta ang working experience niya with Julia na binabato ng sandamakmak na negative issues.


Aniya, "I admire her. She was very professional. Magaling siyang artista. Mabait siyang bata. 'Yun 'yung nakita ko. Kung ano 'yung naririnig ko… ako 'yung tipo ng tao na gustong makilala ka muna. I don't do judgment right away.


"So, nu'ng nakasama ko na siya, all praises talaga ako sa kanya. Kasi, hindi ko siya nakitaan ng… nakita ko ang pagod niya. Alam ko 'yung pagod niya dahil sa aming lahat sa locked-in taping na 'yun, siya 'yung everyday, may eksena. Mabibigat 'yung mga eksena niya.


"Doon, hindi ko siya nakitang nagreklamo. Doon, hindi ko siya nakitang… sabihin ko na, nag-diva. All praises ako sa kanya kasi pinadali niya ang trabaho ko.


"At kung sasabihin kung gusto ko siyang makatrabaho ulit? Yes, kasi mabuti siyang tao sa akin. Wala siyang ginawang masama, wala siyang ipinakitang hindi maganda sa set, at sa lahat naman ng nakatrabaho ko sa 'Di Na Muli."


As for her birthday, winish ni Angelu na magkaroon ulit ng anak na babae para sa kanyang guwapo at mabait na husband na si Wowie Rivera.


Lalaki ang first baby nila ni Papa Wowie na si Rafa. Boy din ang anak ni Papa Wowie sa kanyang dating karelasyon, kaya wish daw nito na magkaroon ng anak na babae.


Kering-keri pa naman ni Angelu na magka-baby since she's only 42 at saka malalaki na ang two elder daughters niya na sina Nicole and Louise.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page