ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 9, 2023
Aminado si Kapamilya Primetime King Coco Martin na na-awkward siya sa rape scene nila ni Miles Ocampo sa FPJ’s Batang Quiapo since bata pa lang daw ang aktres ay kilala na niya ito.
“Honestly, noong una, siyempre nga, baby ko kasi ‘to, eh (sabay-turo kay Miles), si Miles,” sey ni Coco sa grand mediacon, “talagang sa mga pelikula, isa ‘yan sa mga baby-baby-han ko na kahit hindi kami nagkikita talaga, ‘pag nagkikita kami… tapos ‘yung nanay pa niya, kaklase ko.”
Patuloy niya, “Nao-awkward ako honestly. Feeling mo, ala-alaga mo, tapos rereypin mo na ngayon sa eksena. Parang ang awkward nu’ng eksena.”
Bago kinunan ang eksena ay kinausap daw niya si Miles para nga sa maselang eksenang gagawin nila.
“Actually, tinanong ko siya. Sabi ko, ‘Miles, ano’ng mas gusto mo, ‘yung mga ganitong trabaho or ganitong eksena or ‘yung nagpapatawa ka kagaya dati?’ Sabi niya, ‘Kuya, gusto ko na ‘yung ganito.’
“‘Yung maturity, nu’ng nakita ko sa kanyang ganu’n, siyempre, inalam ko muna kasi nangingilag pa rin ako dahil siyempre, lalaki pa rin ako, eto, babae, para alam ko lang ang limitasyon.
“Kasi ayoko ‘yung makaka-offend ka, eh, or lalagpas ka ru’n sa limitation,” kuwento ni Coco.
Nang ginagawa na raw nila ang rape scene ay nakita niya ang professionalism ni Miles.
“Kahit ‘yung mga sabunot ko pa lang, game na game siya. ‘Yung sobrang open siya, sinasalo niya kung ano ‘yung ibinibigay ko,” papuri ni Coco kay Miles.
May hindi sinasadyang eksena kung saan ay nahubaran pa raw si Miles kaya tinanong niya raw agad ang aktres kung okay lang at sagot daw nito, “Kuya, ok lang.”
Kaya sey ni Coco, “Napakataas ng pagtingin niya sa trabaho niya. Kasi ‘yun ang tinitingnan niya, eh. Hindi ‘yung parang ‘Raket lang ‘to, acting-acting lang ako.’ Siya, nu’ng tinanggap niya ‘yung project, alam niya na ‘Open ako kung ano ang ipapagawa sa akin.’ Saka naghahanap na siya ng ano, eh, maturity du’n sa trabaho niya.”
Ayon pa sa aktor, bilang kuya ay proud na proud siya sa performance ni Miles sa FPJBQ.
Abut-abot naman ang pasasalamat ni Miles sa papuri ni Coco.
“‘Andu’n na tayo sa stage ng life natin na you just wanna grow and explore. So, maraming salamat po,” sey ni Miles.
Sa Feb. 13 na magsisimula ang airing ng FPJBQ at kasama rin sa action series si Lovi Poe bilang leading lady ni Coco at sina John Estrada, Christopher de Leon, Charo Santos-Concio, Pen Medina at marami pang iba.
Commentaires