ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 30, 2024
Madamdamin ngunit puno ng saya ang eksena ni Ryan Bang at ng non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong nang tanggapin na ng huli ang marriage proposal ng It’s Showtime host.
Naging mahigpit ang kanilang yakapan habang nakangiti.
Sa kaarawan ng brother ni Paola nangyari ang eksenang “engagement”.
Sa tiny letter ni Ryan, mababasa ang kanyang note, “Mi Amor, Thank you for saying ‘YES’.
"Can't wait to spend the rest of my life with you. From your soon-to-be husband (heart emoji).”
Ang espesyal na yugto sa buhay nina Ryan at Paola ay naghatid ng papuri at pagbati ng masasayang mensahe mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya.
Matatandaang ilang aktres din ang niligawan ni Ryan Bang dati tulad ni Yeng Constantino ngunit sa lahat ng niligawan nito ay basted siya.
Kaya naman, happy kami para kay Ryan Bang na finally ay natagpuan na niya ang babaeng dadalhin niya sa altar at makakasama habambuhay.
Comentarios