top of page
Search

Nahahawa sa matatanda… 318 bata sa Kyusi, may COVID

BULGAR

ni Lolet Abania | August 13, 2021



Halos apat na beses ang itinaas ng bilang ng mga batang tinamaan ng COVID-19 sa Quezon City sa loob lamang ng isang buwan, matapos na makapagtala ng 318 menor-de-edad na infected ng virus mula nu'ng Agosto 1 hanggang 7.


Batay sa datos ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), lumabas na 169 kabataan na nasa 0 hanggang 11-anyos ang infected ng COVID-19, habang 149 bata naman na nasa edad 12 hanggang 17 ay nakuha rin ang virus na ang ibig sabihin, siyam na porsiyento ng kabuuang kaso ng lungsod sa pareho ring panahon ay mga bata.


Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, ang pinakabagong kabuuang bilang ng COVID-19 cases ng mga kabataan ay 293 percent na mas mataas kumpara noong nakaraang buwan, kung saan mula Hulyo 1 hanggang 7 ay 81 bata lamang ang nagpositibo sa virus.


Ayon kay CESU chief Dr. Rolando Cruz, “One factor that causes these infections… could be the improper way by which COVID-19 positive adults quarantine themselves.” Sinabi rin ni Cruz na ang ilang matatanda raw kasi ay nananatili sa bahay kahit pa kinakitaan na ng sintomas ng COVID-19, bukod sa ang iba ay “(They) Do not self-report to CESU.”


Una nang nag-isyu ang local government ng lungsod ng guidelines na ipinagbabawal ang home quarantine para sa COVID-19 cases at symptomatic close-contacts habang kinakailangan silang i-transfer sa mga accredited quarantine facilities, gaya ng HOPE community caring facilities at mga barangay isolation facilities.


Tiniyak naman ni Cruz sa mga residente na patuloy ang Quezon City sa pagsasagawa ng masidhing contact tracing. “So every household will be safe, especially young children who are not yet able to follow minimum health protocols on their own,” ani Cruz. “But ultimately, we need everyone’s cooperation. We are appealing to anyone who is experiencing symptoms to please inform CESU immediately,” sabi ni Cruz.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page