top of page
Search
  • BULGAR

Nagtanung-tanong, natauhan daw… RICH BUSINESSMAN, ATRAS GASTUSAN SI DINGDONG PARA MAG-SENADOR

ni Julie Bonifacio @Winner | August 23, 2024


Showbiz News
Photo: Dingdong Dantes / FB

Totoo pala ang tsikang tatakbong senador si Dingdong Dantes sa darating na eleksiyon. Suportado si Dingdong ng ibang kakampi niyang senador na sila ring nag-udyok sa Kapuso actor na tumakbo.


Mayroon daw maperang “businessman” na malapit sa administrasyong Marcos ang supposedly magpi-finance sa kampanya ni Dingdong. 


Take note, si Dingdong ay isa sa mga artistang sumuporta sa kandidatura ni Atty. Leni Robredo sa pagka-senador noong nakaraang eleksiyon.


Pero natauhan daw ang maperang “businessman” at biglang nag-backout sa pag-finance ng kampanya ni Dingdong. 


Nagtanung-tanong daw kasi ang mayamang “businessman” sa malalapit niyang kaibigan tungkol sa tsansa ni Dingdong na manalo sa pagka-senador. Negatibo ang nakuhang feedback ng maperang “businessman”, kaya napaisip siya kung itutuloy o hindi ang balak.


Sa huli, nakinig ang maperang “businessman” sa kanyang mga kaibigan at dali-daling nag-backout sa pagsuporta kay Dingdong. 


Kaya pala nang magkaroon tayo ng pagkakataon na mainterbyu si Dingdong, matigas ang kanyang pagtanggi na papasukin niya ang pulitika.


Well, malay natin, baka may iba pang mayamang supporters. Pero dapat ngayon na siya lumantad kasi kailangan ni Dingdong umikot sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, gaya ng iba pang aspiring candidates for the Senate tulad ni Atty. Persida Rueda-Acosta.


 

NANAY NI ANGELICA, PUMANAW NA SA EDAD NA 61


Showbiz News
Photo: Angelica Panganiban / IG

Pumanaw na ang ina ni Angelica Panganiban na si Annabelle “Ebela” Panganiban noong Martes, Agosto 20. 


Ipinaalam ni Angelica ang pagyao ng kanyang ina sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Instagram kahapon. Naka-detail dito ang impormasyon para sa wake ng kanyang ina, na pumanaw sa edad na 61.


Ibuburol ang ina ni Angelica sa Aeternitas Chapels and Columbarium sa Commonwealth, Quezon City simula sa Huwebes, Agosto 22. 


Sa kasalukuyan, wala pang ibang detalye kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng ina ni Angelica.


Marami naman agad ang nagpadala ng pakikiramay kay Angelica mula sa kanyang mga celebrity friends sa comment section ng kanyang Instagram (IG) post, gaya nina Bea Alonzo, Miles Ocampo, Jugs Jugueta, Bianca Gonzales, Jolina Magdangal, at Pauleen Luna. 


Mula sa grupong AngBeKi, nag-post ng mensahe ng pakikiramay ang It’s Showtime (IG) host na si Kim Chiu.


“Mahigpit na yakap, Momsy. 'Andito lang kami lagi para sa 'yo. Prayers for you and your family,” comment-post ni Kim.


Habang si Bela Padilla, isa pang miyembro ng grupong AngBeKi (Angge, Bela at Kim) ay nag-comment din, “Love you, Momsy… Isang mahigpit na mahigpit na yakap."


Mula sa isa pa sa mga hosts ng IS na si Anne Curtis, “Love you, Kambal.”


“Condolences, Maymi. We love you, Ebela!” mula sa dating child star na si Serena Dalrymple.


“We love you, Ebela. Rest in peace with our Father,” mensahe ni Camille Prats.

May isang nag-reply sa comment-post ni Bea na binash ng ibang followers ng aktres,“@beaalonzo be kind, lie is too short. Tell your mama to forgive Dominic; he’s a good man, okay?”


“Huy, bastos naman nito. Dito ka pa nagkakalat, jusko!!”


“Ano daw?”


“Luh! ‘Wag bastos, BEH.”


“Papansin ka? Napakawalang modo mong tao kung tao ka ba talaga! Nagluluksa si Angelica, tapos epal ka mag-post dito!”


“Rude ka na, t*nga ka pa, mag-English ka.”


Kalurky.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page