ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 16, 2025
Photo: Jericho at Janine - IG
Super-kilig ang EchoNine (Jericho Rosales-Janine Gutierrez) fans dahil sa nakakahawang smile ng dalawa para sa Valentine’s Day.
Hindi maitatangging nagselebreyt ng kanilang first Heart’s Day sina Echo at Janine na sila ang magkasama.
Pagbabahagi ni Echo sa kanyang Instagram (IG) Page, “Vday kids.”
Sey ng isang netizen, “She’s still young, experimenting and having fun. The guy is a red flag so just enjoy the moment keeping in mind that there are more choices/better choices out there.”
“Honest question, how is he a red flag? Who are you to judge?! You don’t even know the person, nakakainit ka ng ulo. Araw ng Puso pero wala ka nu’n!” pagtatanggol naman ng isa.
“Hays, nasasayangan ako kay girl. Marami pa s’yang potentials na puwedeng makilala na mas deserving. Ang bilis n’ya ma-in love, grabe!”
“Okey naman si Jericho, wala namang masamang balita sa mga naging exes niya. O mayroon ba?”
Real name niya rin ang inilagay… KIM, TODO-KILIG SA PA-BOUQUET NI PAULO SA V-DAY
Kinilig si Kim Chiu sa Valentine’s Day surprise ni Paulo Avelino last February 14.
Nakatanggap ng bouquet of flowers ang Chinita Princess mula sa kanyang rumored boyfriend na sobra niyang ikinatuwa.
Imagine, ginamit ng aktor ang tunay na pangalan ng aktres kaya na-amaze si Kim at ibinahagi ito sa social media. Maraming fans ang kinilig sa matamis na palitan ng convo ng dalawa at nagbigay ng positibong reaksiyon sa socmed.
“Sa legal papers ko lang nakikita totoong pangalan ko. Muntik ko nang makalimutan sino si Kimberly! Ako pala 'yun,” pabirong pahayag ni Kim.
Sa isa pang post, ipinakita ni Kim ang natanggap niyang bouquet habang nakangiti at masaya rin niyang binati ang mga tagahanga ng isang masiglang “Happy Valentine’s Day!”
Marami sa kanilang mga fans ang napakilig sa mga komento at mas lalong nag-abang sa kanilang paparating na proyektong My Love Will Make You Disappear (MLWMYD).
IBINAHAGI ni Zeinab Harake ang prenup photos nila ng fiancé na si Bobby Ray Parks, Jr..
Si Bobby Ray ay isang Asian import player para sa Nagoya Diamond Dolphins. Si Zeinab naman ay isa sa pinakakilalang social media influencers at YouTube (YT) content creators sa bansa na may milyun-milyong subscribers.
Nag-propose si Bobby Ray kay Zeinab noong Hulyo, 2024 at engrande ‘yun. At nu’ng Setyembre, sa Japan, ang social media influencer naman ang nag-propose sa cager.
Sa kanyang vlog, ipinakita ni Zeinab ang pagbili niya ng Cartier engagement ring sa Nagoya at ang kanyang simple ngunit makabuluhang proposal.
Masaya nilang ipinakita ang mga singsing at muling ipinahayag ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa at pagiging engaged.
Kasabay nito, nagbahagi rin siya ng isang makahulugang mensahe, “When God restores you, He doesn’t bring you back to where you were, He brings you back better than before (black heart emoji).”
Sa pagbili ni Harake ng isang Cartier engagement ring sa Nagoya, nagbigay siya ng mensahe.
Aniya, “Hindi lang dapat ang mga babae ang binibigyan ng singsing, kundi pati na rin ang mga lalaki.”
Dinala niya si Bobby Ray sa isang esplanade kung saan isinagawa niya ang simpleng proposal na punumpuno ng pagmamahal.
Sa isang nakakakilig na eksena, lumuhod si Zeinab at inilagay ang singsing sa kamay ni Bobby Ray, na halatang kinilig sa pangyayari. Bagama’t hindi na niya tinanong ang fiancé kung sasagutin siya, masaya pa rin nitong tinanggap ang proposal at muling kinumpirma ang kanilang pagiging engaged.
“Simple lang ‘yan, pero punumpuno ng pagmamahal,” ani Zeinab.
Aniya pa, “Hindi naman dapat puro babae lang ang binibigyan, dapat tayo rin sa ating mga minamahal.”
Comments