ni Twincle Esquierdo | July 23, 2020
Ayon sa isang netizen nakita niya umano na merong nagsasagawa ng pekeng COVID-19 test result na nagkakahalaga lamang ng Php25.
Sinabi ng nakasaksi, “Nakita ko unang una, caps lock, ‘Negative.’ So binasa ko po siya, COVID. Ta’s nakita ko po pinapalitan po ‘yung name no’ng nasa result po,”
“No’ng pinrint na po ‘yun nakita ko ‘yung mismong original copy, iba ‘yung pangalan na nando’n sa may screen. Aware po ako na hindi puwede mag-print ang kahit sino ng gano’n e,”
Kaya pasekreto niya itong kinuhanan ng litrato at pinost sa social media at kitang kita rito na pinapalitan umano ang pangalan at edad ng mismong may-ari.
“Pina-edit niya lang po… na puwede po palitan ‘yung name at saka age, ‘yun lang po,” “Nagsabi na po ako sa kaniya bawal po e tapos pina-edit niya po,” ayon sa babaeng nagsasagawa ng pekeng health certificate.
Humingi naman ito ng paumahin sa publiko dahil sa mga natanggap na pangba-bash ng mga netizen
“Sorry na po, hindi ko na po uulitin ‘yun,” aniya Nagbigay din ng paalala si Coronavirus testing czar Vince Dizon sa publiko na ‘wag mameke ng COVID-19 test result.
“Hindi po pupuwedeng mameke ng resulta, hindi puwedeng magbago ng resulta.
Mabigat po ang magiging penalties para sa ganiyang mga violation kaya nanawagan tayo sa ating mga kababayan, ‘wag na ‘wag po nating gagawin ‘yan,” aniya Sa ngayon ay iniimbestagahan na ng Quezon City Criminal Investigation at Detection Group ang nangyaring insidente.
Napag-alaman din na ang print shop ay nagsasagawa ng iba pang pekeng dokumento at wala rin itong business permit.
Comments