top of page
Search
BULGAR

Malabon Mayor Oreta, positibo sa COVID-19

ni Lolet Abania | March 23, 2021




Nagpositibo sa test sa COVID-19 si Malabon City Mayor Lenlen Oreta. Sa kanyang Facebook post, ayon kay Oreta, nagpa-swab test siya na bahagi ng isinasagawa para sa contact tracing ng lungsod at natanggap niya ang positive result ngayong Martes.



Gayunman, sinabi ng alkalde na siya ay asymptomatic kaya patuloy siyang magtatrabaho sa bahay.


Ayon pa kay Oreta, nagsasagawa na ng contact tracing sa lahat ng kanyang mga naging close contact o nakasalamuha. “This only shows na matindi pa rin ang epekto ng COVID-19 sa Malabon.


Matinding pag-iingat ang kailangan lalo na ang pagsunod sa mga health protocols,” ani Oreta.


“On behalf of the city, we would continue to ensure that we bring down the cases of COVID-19 in our city,” dagdag ni Oreta.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page