top of page
Search
BULGAR

Nagpositibo sa self-administered COVID-19 test kits, dapat ipaalam sa barangay – DILG

ni Lolet Abania | January 21, 2022



Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko lalo na iyong mga nagpopositibo sa ginagawang COVID-19 self-administered test kits na dapat nilang i-report ito sa kani-kanilang barangay officials.


“Halimbawa nag-positive kayo, i-report niyo na sa barangay dahil unang-una, aalagaan kayo ng barangay,” sabi ni DILG Undersecretary Martin Diño sa Laging Handa public briefing ngayong Biyernes.


Ito ang naging pahayag ni Diño nang tanungin tungkol sa ilang mga indibidwal na nagpositibo sa ginawang self-administered COVID-19 test habang pinili nitong sumailalim na lamang sa self-quarantine, subalit hindi ito inire-report sa mga awtoridad.

Ayon kay Diño, kapag ini-report nila ang sarili, makapagpo-provide ang mga awtoridad ng contact tracing, mamo-monitor ang kanilang health, at mabibigyan ng iba pang uri ng assistance.


Kaugnay nito, kailangan na aprubahan muna ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga self-administered COVID-19 antigen test kits. Gayunman, sa ngayon ang mga ito ay ginagamit na ng marami.


Hanggang nitong Enero 18, tinatayang nasa 11 manufacturers ng self-administered antigen test kits ang nag-apply na sa FDA para sa approval nito.


Una nang sinabi ni Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman na ang bilang ng COVID-19 infections sa bansa ay aniya, “understated.”


“Kapag hindi kayo nagpa-RT-PCR or hindi kayo na-antigen, hindi kayo masasama sa bilang,” ani De Guzman.


“But there are also those who are asymptomatic, unknowingly infected na hindi natin nade-detect kaya hindi rin po sila nabibilang doon sa total confirmed cases natin,” sabi pa ni De Guzman.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page