top of page
Search

Nagpakilala pa raw sa parents niya pero… JANE, UMAMING BIGLANG GHINOSTING NG EX-BF NA AKTOR

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 17, 2023




Maraming naiintriga sa naging rebelasyon ng aktres na si Jane de Leon nang mag-guest siya sa vlog ni Dra. Vicki Belo. Naitanong kasi sa interview ang tungkol sa kanyang love life at umamin ang aktres na na-in love siya sa tatlong aktor sa magkakaibang panahon.


'Yun nga lang, hindi niya pinangalanan kung sinu-sino ang tatlong aktor na nakarelasyon niya at idinaan na lang niya ito sa blind item.


Ang unang guy daw na kanyang nakarelasyon ay mabait, disente at magalang. Na-meet pa umano nito ang kanyang parents. Hindi naman matandaan ni Jane ang dahilan kung bakit nag-back-out ang lalaki, bigla na lang umano itong naglaho at tuluyan na ngang hindi nag-pursue sa kanilang relasyon.


Okay naman daw ang personalidad ng second guy. Maalaga ito at napaka-sweet, ngunit marami umano ang nagdududa sa pagkatao ng aktor dahil hindi raw ito straight guy at may misteryong itinatago.


Hindi naman nagduda si Jane sa gender ng lalaki ngunit nauwi lang sa wala ang lahat at nag-break nga sila.


Samantala, na-meet naman ni Jane De Leon ang kanyang third boyfriend noong ginagawa na niya ang Darna. Gayunman, dahil busy sa taping at hindi na halos nagkikita, nauwi rin sa paghihiwalay ang lahat.


Pero, ang nakakaintriga rito, isa raw sa tatlong nakarelasyon ng Darna actress ay dumanas ng traumatic experience. Ang tanong, sino kaya sa kanila?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page