ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 5, 2020

Ang daming nagulat na netizens sa ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram page na larawan niya kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Makikita sa larawan na nasa gitna siya nina Joshua at Bimby na halos magkasing-height na at hanggang balikat na lang siya ng mga ito.
Caption ni Kris, “My TOWERS of #love. Happy weekend!”
Ikinagulat ng kanyang mga followers na mala-higante na sa tangkad ang kanyang dalawang boys especially Bimby na 13 years old pa lang. Tanong ng marami, paano raw tumangkad nang ganito ang mga anak?
May nagtanong din kung ano ang height ng dalawang boys at sagot ni Kris, “Kuya is 6’2". Bimb is 6 feet but because his hair grows patayo, parang 6’1" na siya- but if you look at their legs- same na where their knees are, so I think Bimb will outgrow his kuya because he’s really long & lean.”
Komento naman ng isang follower, “Nagmukha kang dwarf d'yan, Mommy Kris...” na sinagot ni Kris ng “True!”
Sa comments section ay naikuwento rin ni Kris na abot nga raw ni Bimby ang mataas na aircon nila pati na ang highest part ng mga shelves sa bahay nila.
“When I need the overhead aircon steam cleaned, Bimb doesn’t even need a step stool Em- parang wala lang. Then 'pag 'yung highest part of the shelves where most would need a ladder, si Kuya just reaches up to get what I need..."
At ibinahagi niya ang sikreto kung bakit tumaas ang mga anak.
"It’s really drinking a lot of fresh milk & sleeping early (apart of course fron DNA)... I hope you’re staying healthy,” kuwento ni Kris.
Komento naman ni Carmina Villaroel, “Grabe Ninang @krisaquino he’s so tall!” at sagot ni Kris, “I know inaanak - how did I give birth to such tall sons?”
Maging si Darren Espanto na super-tangkad din ay hindi makapaniwalang 6-footer na si Bimby. Komento niya, “No waaaay” at sagot naman ni Kris, “I think he’s now as tall as you.”
Comments