top of page
Search
BULGAR

Nagmahal, nasaktan, nag-move on… Tips para maka-get over sa break up

ni Mharose Almirañez | December 2, 2021





Bakit nga ba may mga taong pinagtagpo, pero hindi naman itinadhana?


Masakit man pakinggan pero kailangan mong ma-realize na hindi lahat ng love story ay mala-Disney movies na puro happy ending, sapagkat ang reyalidad ay isang napakalaking tragedy. In real world, maraming nagsusulputang kontrabida at surprising plot twists.


Upang maka-get over sa iyong epic fail relationships, narito ang ilang tips para maka-move on sa iyong ex-dyowa:


1. TORTURE-RIN ANG SARILI. I-stalk mo ang social media accounts niya at paulit-ulit mong tingnan ang pictures n’yo hanggang maumay ka. I-stalk mo rin ang profile nu’ng bago niya kung mayroon man.


2. STRESS EATING. Kumain ka nang kumain. ‘Di baleng broken basta hindi malnourished.


3. MAGWALWAL. Nakapagbibigay ng lakas ng loob ang alak. Pansamantala kang magiging strong, but siyempre, maaalala at maaalala mo pa rin siya at mapapa-emote ka ulit. Iiyak mo lang ang lahat with matching background music hanggang gumaan ‘yang pakiramdam mo.


4. ‘WAG MAG-DRUNK CALL. ‘Di porket matapang ang alak, magiging matapang ka na rin. Itigil mo ‘yan, girl!


5. GENERAL MAKE OVER. ‘Di puwedeng broken ka na nga, panget ka pa. Try mong magpa-salon or mag-gym para sa balik-alindog program.


6. MAG-SHOPPING. Bumili ka ng mga bagong damit, sapatos, bag at skin care products. Siyempre, dapat mo pa ring i-maintain ang iyong lifestyle. Hindi puwedeng broken ka na nga, broke pa ang bulsa mo.


7. MAG-TRAVEL. Makatutulong ang outdoor activities para makalanghap ng sariwang hangin at panibagong ambience. Mag-beach, mag-hike, mag-museum, mag-arcade o mag-road trip. Kayanin mong bumiyahe mag-isa.


8. SOCIAL MEDIA DETOX. Mag-deactivate ka muna ng iyong social media accounts. Tandaan na ang gamot sa toxic ang pagdi-detox.


9. LOVE YOURSELF. Hindi masama ang maging selfish, pero oras na para isipin ang sarili, sapagkat paano ka mamahalin ng iba kung hindi mo mahal ang sarili mo?


10. MAKIPAG-BONDING SA IBA. Mali na pinaikot mo ang mundo mo kay ex. This time, make time for your family and friends dahil sila ang dadamay sa ‘yo sa mga oras na ito.


11. MAGSULAT. Ang pagsusulat ay isa sa mabisang paraan dahil inaayos nito ang nerve cells natin sa tuwing nag-iisip tayo ng sentences. Malay mo, maging katulad ka rin ni Taylor Swift na naging successful dahil sa mga kantang isinulat para sa mga ex niya.


12. MAGDASAL. Ipasa-Diyos na lamang ang nangyari sa relasyon ninyo ng ex mo. Kung niloko ka ni ex, si God na ang bahala sa kanya. Kumapit ka lang kay Lord dahil malalagpasan mo rin ang lungkot na pinagdaraanan mo ngayon.


13. I-DISPOSE ANG MGA GAMIT NA BIGAY NI EX. Puwede mong ibalik sa kanya ang mga ito, sunugin, ibasura or ipa-garage sale. Extra income rin ‘yan.


14. ‘WAG MAGBA-BACK READ SA CONVO. Alam naming name-miss mo siya, pero ‘di ‘yun dahilan para balikan ang inyong nakaraan.


15. ‘WAG MAGMAMAKAAWA PARA BUMALIK SIYA. ‘Pag gusto ka niyang balikan, babalik ‘yan. Hindi mo kailangang magpakababa para lang mahalin ulit.


16. CLOSURE. Tanggapin mong tapos na kayo.


17. FACE YOUR FEAR. Kapag nakasalubong mo siya sa daan, taas-noo ka lang at tumango. Just act naturally.


18. MAGPOKUS SA CAREER. Kailangan mong ituon ang atensiyon sa ibang bagay. Tandaan, ‘wag na ‘wag mong idadamay ang career mo sa pagmu-move on, kung ayaw mong maging broke pati bank account mo.


19. TIME HEALS WOUND. I-enjoy mo lang ang pain, sapagkat makaka-move on ka rin pagdating ng araw.


20. MAG-INSTALL NG DATING APP. Make sure naka-move on ka na dahil hindi mo puwedeng paglaruan ang damdamin ng mga taong makaka-talking stage mo. ‘Wag kang maging unfair sa iba.


Matapos mong basahin ang ilan sa aking tips, the best advice pa rin ang makinig sa payo ng iba. Magbasa ng mga inspirational and motivational books o article na makatutulong para maghilom ang sugat sa ‘yong puso.


Sabi nga nila, kung naging masaya ka sa maling tao, what more kung sa tamang tao na, ‘di ba? Move on, ka-BULGAR! You deserve someone better.


Tingnan mo kami, 30 years and going strong at patuloy sa pag-arangkada. Copy?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page