top of page
Search
BULGAR

Nagmadaling tumakbong pangulo… MADLANG PIPOL KAY ISKO: SOBRANG AMBISYOSO KA, SAKIM AT HAMBOG!

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | May 1, 2022



Binigyan na naman ng rason ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga bashers niya para banat-banatan siya.


Umani na naman ng mga negatibong komento ang latest tweet kahapon (April 30) ng presidentiable kung saan ganito ang laman ng kanyang ipinost sa Twitter...


"Hindi ko po kayang matulog sa gabi at magbingi-bingihan na lamang sa kumakalam na hinaing ng ating mga kababayan sa iba't ibang panig ng bansa na naghihikahos sa buhay. Tumakbo po ako para solusyunan ang mga problema ng bansa, hindi para maghiganti at may bawiin. #IbaNaman"


Kasabay ng Twitter post na 'yun ang isang art card kung saan mababasa ang sinabi ni Mayor Isko na, "Kung pansarili lang ang iisipin ko, eh, di sana tumakbo na lang ulit akong mayor ng Maynila. Pinili ko po ang tao kaysa kapanatagan ko sa posisyon."


Komento ng mga netizens sa kanyang Twitter post…


"Wehhh talaga?! Alam na tunay na kulay mo, Yorme, 'wag mong gawing bobo ang mga tao!"


"Eh, di sana, ibinigay mo 'yung P50 M... laking tulong sa kanila 'yun. Plastik!"


"'Di ka pa tapos sa Maynila, Yorme. Naiangat mo na ba ang buhay ng mga mahihirap? Kadumi pa kaya ng Maynila. Daming pulubi. Daming natutulog sa daan. 'Wag ka nga."


May naalala naman ang isang netizen, "Ask ko lang po… hindi po ba, isa kayo sa nagsabing bayaran ng mga Marcoses 'yung P203 B na estate tax? So, hindi n'yo na po babawiin?"


Mukhang G na G (gigil na gigil) naman ang isang netizen at personal na ang comment kay Yorme na, "Ipasok na 'yan sa Mental."


Samantala, pambabara ng isa pa sa katwiran ni Mayor Isko na mas pinili niyang tumakbong pangulo kesa mag-mayor ay para sa taumbayan, "No. It's because you are so ambitious and greedy. That's the real reason, and everyone knows it, including yourself."


Habol pang komento ng isang netizen, "There is something in Isko that no matter how hard he tried to convince the Pinoys to vote for him, still Pinoys snob Isko, bawasan kasi ang yabang! 'Yung gigil ambisyon maging presidente is an overkill! #NoToIsko"


Awww!!!


May kasabihan, less talk, less mistake. 'Yun na!


 

Kasunod ng pagkakatanggal kay Migz Zubiri sa opisyal na senatorial slate ng Robredo-Pangilinan tandem, nananawagan ang mga tagasuporta ng tambalang Leni-Kiko sa Twitter at iba pang social media channels na ipalit si Monsour Del Rosario sa nabakanteng ika-12 puwesto.


Si Del Rosario ay miyembro ng Partido Reporma, ngunit kamakailan ay napukaw niya ang atensiyon ng mga tagasuporta nina Leni at Kiko nang lantaran niyang ihayag ang pagsuporta kay Robredo. Ito ay matapos magbitiw ni Ping Lacson bilang chairman at presidential candidate ng Reporma.


Mula noon, si Del Rosario ay napabilang na rin sa grupong 1Sambayan na ngayon ay may kabuuang 11 kandidato, 8 dito ay kabilang din sa opisyal na Tropang Angat slate.

Dating atleta at aktor si Monsour bago napasok sa pulitika at nagsilbi ng 9 na taon bilang konsehal ng District 1 ng Makati sa loob ng dalawang termino.


Naging kongresista rin siya mula 2016 hanggang 2019 kaya kung tutuusin, malaki na rin ang karanasan niya sa public service at nakagawa na ng maraming batas.


“Nagpapasalamat ako sa mga netizens at supporters nina VP Robredo at Sen. Pangilinan sa kanilang pagtitiwala sa akin pero ang Leni-Kiko team lang ang makakapagdesisyon kung gusto nila akong isama sa kanilang official slate o hindi.


"Sa huli, ang mga botante ang magdedesisyon kung sino ang gusto nilang maging susunod na senador. Kaya naman narito rin ang ating 1Sambayan slate para mag-alok ng mga alternatibo. Kung pipiliin ng mga tao na iboto ako, lubos akong magpapasalamat at susuklian ko ang kanilang mga boto ng 101% na tunay na serbisyo, tulad ng ginawa ko noong nasa Kongreso ako,” wika ni Del Rosario.


Samantala, patuloy ang pagdalo ni Monsour sa mga Leni-Kiko rally kung saan kapansin-pansin ang karisma at hatak niya sa mga tao.


“Nakakagaan ng loob na makita ang mga tao na nagkakaisa para sa layuning mapabuti ang ating bansa. Tingin ko, ang pagkakasama ko sa 1Sambayan ay hindi lang nagkataon.


Pakiramdam ko, nakatadhana ako dito dahil ang layunin ko sa pagtakbo bilang senador ay lubos na naaayon sa layunin ng mga taong sumusuporta sa 1Sambayan at sa Leni-Kiko tandem.


"Lahat tayo ay may iisang hangarin na iangat ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng isang mapagkakatiwalaang pamahalaan na nakatuon sa tunay na serbisyo publiko,” dagdag pa ni Del Rosario.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page