top of page
Search
  • BULGAR

Naglaro ng golf… IGAN ARNOLD, NA-STROKE HABANG NAGDA-DRIVE

ni Nitz Miralles @Bida  | June 15, 2024



Paolo Contis

                                                                           

Sa kanyang Instagram, idinetalye ng newscaster/TV host na si Arnold Clavio ang

pagkakaospital niya dahil sa stroke. 


Kuwento nito, galing siya sa paglalaro ng golf sa Eastridge Golf Course sa Antipolo nang makaramdam ng numbness ng kanyang right arm and leg. Hindi na rin daw niya maramdaman ang pag-apak sa pedal ng gas at break.


Huminto raw siya sa gasoline station to check himself, pero hirap siyang maglakad. Agad siyang tumingin sa salamin to know kung tabingi ba ang mukha niya o maga ang mga mata niya. 


Nakapag-drive pa si Arnold at huminto sa unang ospital na nakita at ‘yun ay ang Fatima University Medical Center. Doon nalaman na mataas ang blood pressure niya. 


Sambit ni Arnold, “Lumitaw ang blood pressure (BP) ko, nasa 220/120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270.


“Inirekomenda na isailalim ako sa CT scan. Du’n nakita na may slight bleeding ako sa kaliwang bahagi ng aking utak. At sa oras na ‘yun, ako ay nagkaroon na ng ‘hemorrhagic stroke’.”


Patuloy ni Arnold, “Inilipat ako sa St. Luke’s Hospital para maobserbahan pa. Agad akong inasikaso sa ER ng kanilang brain attack team at dinala sa Acute Stroke Unit ng ospital para ganap na bantayan ang aking BP at sugar.”


“Aral: Feeling ok does not mean you're ok. Feeling good does not mean we’re good. Listen to your body, traydor ang hypertension! Always check your BP.”

Aniya, “Thank you Lord. I personally experienced your miracle.”



 

                                   

Nakangiti si Bea Alonzo nang aminin sa interview niya kay Nelson Canlas ang pinag-uusapan ngayong pahayag niya. 


Malinaw ang naging reaction ni Bea sa binanggit ni Nelson na siya ang nakipahiwalay kay Dominic Roque.


“Hindi ako ang nakipag-break. Let’s leave it in the past. It’s amicable. OK naman kami. I think it will be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it. It’s a very sensitive topic. And gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had,” paliwanag ni Bea.


Pagkatapos nitong sabihin nang nakangiti na hindi siya ang nakipag-break, hindi na nito binalikan ang topic ng breakup nila ni Dominic. Hindi rin nito binanggit ang pangalan ng aktor, bagay na na-appreciate sa kanya.


Ayon sa mga fans, itinaon ni Bea sa promo period ng Widows’ War ang sinabing hindi siya ang nakipag-break, bagay na ikinorek ng mga fans nito. Kinlaro lang daw ni Bea ang maling akala na siya ang nakipag-break at kung papansinin, agad tinapos ang isyu.


Mas napag-usapan ang Widows’ War at nabanggit ni Bea na isa sa mga nagustuhan niya sa murder mystery series ay lahat ng cast, gray ang character. Hindi malalaman up to the end kung sino ang killer.


Samantala, sumugod ang mga netizens sa Instagram (IG) ni Dominic at inakusahan siyang


pa-victim. Hindi naman daw pala siya ready magpakasal, bakit pa siya nag-propose? 

‘Yun bang hindi natin alam ang cause ng kanilang breakup, nanghusga na tayo.            



 

FUTURE First Lady ng Manila City pala si Rhian Ramos dahil tatakbong mayor ng siyudad ang boyfriend niyang si Sam Verzosa. 


Sinamahan ni Rhian ang boyfriend sa pagpapa-bless ng sasakyan donated by Sam sa simbahan sa Balic-Balic, Sampaloc.


Nag-setup din ng SV Mobile Clinic sa Sampaloc si Sam para matulungan for their medical needs ang mga taga-Sampaloc. 

Nakita naming maraming wheelchairs at service vans ang ipamimigay sa mga nangangailangan.


Sey ni Rhian, “Congratulations my booboo. I’m so proud of you, siguradong marami na namang matutulungan ang mga mobile clinics, serbisyo vans, libreng checkup at gamot, wheelchairs at lahat ng iba pang ibinahagi mo sa distrito ng Sampaloc, Manila. It means so much to me to witness my love sharing what God has blessed him with, understanding that having plenty is not just for you to enjoy, but a tool to live a life of purpose and service. I learn from you and you inspire me every day. God bless you my boo, naiiyak ako.”


Sa photos, makikitang tumulong si Rhian sa pamimigay ng gamot at kasama roon ang pakikipag-picture taking sa mga taong nagkagulo sa kanya. 


Kapag nanalo si Sam, mahahaluan na ng politics ang buhay ni Rhian. Ang wish ng kanyang mga fans, hindi nito iwan ang showbiz na hindi siguro nito gagawin. 

Nasa cast siya ng Sang’gre at excited na sa may pagka-kontrabida niyang role.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page