ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Jan. 20, 2025
Photo File: Carla Abellana at Brad Pitt - Instagram
Taong 2022 nang maghiwalay bilang husband and wife sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Ang ganda ng awra ni Carla habang ini-interview sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at tipong naka-move on na siya sa hiwalayan blues nila ni Tom.
Ngayong taon ay nakahanda na raw na muling umibig si Carla.
“I believe it’s very possible. Anything is possible but magsu-surrender ako kay God. Mas magtitiwala ako kay God this year. So, let’s see what He has in store for me. Ayaw ko naman pong i-block ‘yun or iwasan. Kailangan mas maging open po ako and ready for anything. Mayroong mga nanligaw, pero ngayon, suitors, manliligaw, wala po,” pagtatapat ng Kapuso actress.
Noong Disyembre ay nakapagbakasyon si Carla Abellana sa Abu Dhabi. Nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na makita nang personal ang Hollywood actor na si Brad Pitt.
“Oh, my gosh! Actually, siya po talaga ang kasama ko doon, aaminin ko na, ha-ha-ha! And Javier Bardem. We went to Dubai first then nag-Abu Dhabi kami, vacation lang po. They were shooting for their film. Hindi ko po ine-expect ‘yun, maski ako, nagulat. Of course, hindi naman po up-close namin nakita, experience pa rin na you’re breathing the same air. Brad Pitt is Brad Pitt, napaka-handsome, kikiligin ka po. Kahit naman sino, kikiligin dahil Brad Pitt, ang lapit po, ‘di ba? May vibe lang siya na he’s a star. He’s a Hollywood star,” nakangiting kuwento ni Carla sa FTWBA.
Well, ano nga kaya at maging sila ni Brad Pitt in real life? Not impossible ‘coz pareho namang may puso at damdamin para umibig kahit pa magkaiba ang kanilang lahi, devah naman, mga Marites? Boom! ‘Yun na!
‘Niwey, hangad namin na muling makatagpo itong si Carla Abellana ng lalaking tunay siyang mamahalin and vice-versa sooner than soon.
Afterall, super-ganda pa rin naman ng isang Carla Abellana, in pernes, at ‘di malayong maraming magkagusto sa kanya. Pak, ganernnn!
Huwag magpapahuli sa isang world-class Sunday viewing kasama ang Incognito stars na sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada at Daniel Padilla, at Kapamilya love teams na sina Alexa Ilacad at KD Estrada, Kai Montinola at Jarren Garcia, at Fyang Smith at JM Ibarra na may nakakabilib na pagtatanghal sa ASAP ngayong Linggo (Enero 19) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Comments