ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 16, 2023
Wish ng Thai actor na bumida sa sikat na sikat na BL (boys' love) series na 2gether na si Win Metawin na makasama sa isang proyekto ang actress-TV host na si Anne Curtis.
Ibinahagi ito ng Thai actor sa kanyang first-ever solo fan meeting sa Pilipinas kamakailan na ginanap sa New Frontier Theater, Quezon City at in-organize ng PULP Live World.
Ikinuwento ni Win na na-meet na niya ang actress-TV host earlier this year sa isang dinner hosted by luxury jewelry brand Tiffany & Co. para sa reopening ng kanilang flagship store sa New York City, USA.
“Actually, I wanna work with a Filipino celebrity as well. I met Anne Curtis –– do you know her?
She’s so nice and I wish that if I have a chance someday, maybe,” pagbabahagi ng Thai actor.
Dagdag pa ni Win, gusto rin niyang makatrabaho ang global superstar na si Jennie ng K-Pop girl group na BLACKPINK.
“Jennie of BLACKPINK. Yeah, [working with her] is one of my dreams.”
Ang 24-year-old Thai actor ay bumida sa F4 Thailand: Boys Over Flowers.
Samantala, patuloy na ginulat ni Win ang kanyang mga tagahanga na naroroon sa fan meeting. Inamin niya sa isang segment ng show na first time niyang gumawa ng sandwich. Ang tatlong sandwich na ginawa niya ay ibinigay sa masusuwerteng fans na napili sa pamamagitan ng raffle na si Win mismo ang pumili.
Bago matapos ang kanyang inaabangang fan meeting, nagbigay ang Thai actor ng ilang words of wisdom sa kanyang mga tagahanga.
“(I) Concentrate my mind in the present moment. I think about the future a lot, until I forget to appreciate the present moment. I remind myself a lot to be in the present––not in the past or future.”
Well, let's see kung matutupad ang wish ni Win na makatrabaho si Anne in the future. Paging, Viva Films.
Comments