top of page
Search

Nagkaiyakan daw sila ni Jessy… LUIS, NAWALAN NG 4 NA ENDORSEMENTS DAHIL SA PULITIKA

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 14, 2025



Photo: Luis Manzano - Instagram


“Nagkaiyakan kami ng asawa ko,” ang diretsong pag-amin ni Luis Manzano sa ginanap na 3rd Barako Festival sa Lipa, Batangas kahapon nang matanong tungkol sa naging desisyon niyang tuluyan nang pasukin ang pulitika para tumakbong vice-governor ng Batangas ka-tandem ang kanyang inang si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na nagbabalik naman para maging governor ng lalawigan.


Si Ate Vi ang unang nagsabi na hindi naging madali ang pangungumbinse niya sa kanyang panganay na tulungan siya sa pagbabalik-public service niya sa Batangas dahil alam niyang maraming maisasakripisyo si Luis na isa na ngayong padre de familia.


Sa ilang naging termino ni Ate Vi bilang mayor at congresswoman ng Lipa at governor ng Batangas, alam niya ang mga puwedeng mawala kay Luis sa showbiz bilang host at endorser tulad din ng nangyari sa kanya nang pasukin niya ang pulitika.


Nagpakatotoo naman si Luis na bukod sa namaalam na nga muna siya bilang host ng Rainbow Rumble, nawalan din siya ng 3 to 4 endorsements mula nang i-announce niya na tatakbo siyang vice-governor.


Hindi rin naging madali para kay Jessy ang tanggapin ang desisyon ni Luis dahil nu'ng BF-GF pa nga lang daw sila, nagbitaw na siya ng pahayag na hihiwalayan niya si Lucky kapag tumakbo ito sa pulitika.


At ngayon ngang finally ay susundan na rin ni Luis ang yapak ng inang si Ate Vi sa pulitika, maging si Jessy ay pansamantala munang ‘di tumanggap ng mga shows gayung dapat ay magbabalik-showbiz na ito this year at may gagawing serye katambal si Gerald Anderson.


Para kay Jessy, bagama't tutol siya sa pagpasok ni Luis sa pulitika, bilang asawa, kailangan niyang irespeto ang desisyon ni Lucky at suportahan ito kaya willing siyang magsakripisyo para sa kanilang pamilya.


Marami naman sa mga nakarinig sa sinabi ni Luis kahapon kung paano siya nakumbinse ni Ate Vi na pasukin ang pagiging public servant ang bumilib dahil sa katwiran nilang mag-ina.


Ani Luis na sinabi raw sa kanya ni Ate Vi, “Anak, mabawasan ka man ng commercial, mabawasan ka man ng endorsement, mas masarap tulog mo dahil marami kang natutulungan.”


Oh, ‘di ba? Panalo talaga ang mga linyahan ng nag-iisang Star for All Seasons Vilma Santos, na ang maipapangako lang daw sa kanyang mga constituents sa kanyang pagbabalik-governor ay “Gusto ko lang na kung ano'ng para sa tao ay mapunta para sa tao.”


At bilang Batangueña at pagiging “barako” kahit pa isa siyang babae, ang tanging maipagmamalaki lang daw ni Ate Vi ay ang kanyang “word of honor” at pagiging totoo sa kanyang binitiwang salita.


Samantala, thankful si Ate Vi sa success ng third year ng Barako Festival kung saan mas sumigla ang turismo at kabuhayan ng mga taga-Lipa dahil maraming dumadayo sa ganitong okasyon.


 

PAREHONG mahuhusay at may strong personality sina Dimples Romana at Iza Calzado kaya ngayon pa lang, naku-curious na ang marami kung paano sila magsasalpukan sa pag-arte sa upcoming horror film ng Regal Entertainment na opening salvo nila for 2025, ang The Caretakers.


Masaya naman ang dalawa na kahit first time nilang magkakasama sa isang project, magkakilala na sila noon pa at kilala nilang mabuting tao ang isa't isa, bukod pa sa pareho rin silang mommies na ngayon kaya nakaka-relate sila sa kani-kanilang duties and responsibilities.


Pareho ring breadwinner noon sina Iza at Dimples kaya nang matanong namin kung paano sila bilang ‘caretaker’ ng kani-kanilang pamilya at kung hindi ba naging mahirap sa kanila ang isakripisyo ang kanilang career nang piliin nilang mag-asawa, sagot ng dalawa, hindi nila iniisip na sakripisyo ang mga ginawa nila para sa kanilang loved ones dahil ginawa nila ‘yun out of love.


Si Iza nga, hanggang ngayon pala ay sinusuportahan pa rin ang anak ng 3rd wife ng kanyang namayapa nang ama, na kahit ‘di naman niya tunay na kadugo ay itinuturing pa rin niyang kapatid.

Bongga, ‘di ba?


Anyway, palabas na ang The Caretakers sa Feb. 26 mula sa Regal Entertainment.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page