Nagkahiwalay lang pero nagkatuluyan din… REGINE, MAS NAUNA KAY MICHELLE KAY OGIE
- BULGAR
- 18 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 3, 2025
Photo: Ogie at Regine - Instagram
May nakaraan pala noon pa sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, noong nagsisimula pa lang ang singing career ng Asia’s Songbird. Ito ang kuwentong throwback ni Regine V.
Twenty-one years old pa lang noon si Alcasid, at si Regine ay 18 years old naman.
At that time, naging malapit na sila sa isa’t isa, lalo na’t magkasama sila noon sa programang SOP ng GMA-7. Hindi pa noon nagkakilala sina Ogie at Michelle Van Eimeren na naging misis ni Alcasid.
Kaso, naudlot at hindi nag-prosper ang pagiging malapit nina Regine at Ogie dahil nag-focus si Regs sa kanyang singing career. Nagkani-kanya sila ng journey upang maabot ang kanilang mga pangarap bilang mga singers/performers.
Hindi inakala ng Asia’s Songbird na pagkalipas ng maraming taon ay madudugtungan ang kanilang nakaraan nang magkita silang muli ni Ogie. Sa bandang huli ay sila pa rin pala ang itinadhana para sa isa’t isa.
May mga nagsasabi na nagko-complement ang personalidad nina Regine at Ogie. Mistulang isang ‘prinsesa’ kung alagaan ni Alcasid si Regine. At marami ang nakapansin na mas gumaan ang aura ng Asia’s Songbird nang mapangasawa si Ogie Alcasid. Napaka-down-to-earth kasi at masayahin ni Ogie Da Pogi.
Simula nang mag-file ng kanyang candidacy sa pagka-senador si Willie Revillame ay naging sentro na siya ng panlalait ng mga bashers. Bakit daw ngayon biglang naisipan ni Revillame ang kumandidato, gayung todo-tanggi siya noong inalok siya dati ni ex-Pres. Rodrigo Duterte na mapabilang sa kanilang line-up ng senatoriables?
Katwiran ni Willie ay wala siyang alam sa trabaho ng mga senador. Tutulong na lang daw siya sa mga taong nangangailangan.
Pero ngayon, tinanggap niya ang hamon kung kailan wala na sa puwesto ang dating Pangulong Duterte na malakas sanang padrino niya.
Gayunpaman, pasok lagi sa Top 13 si Willie Revillame sa mga surveys na isinasagawa sa mga malalakas na senatoriables. Nilagpasan pa nga ni Willie ang ilan sa mga datihang senador. Nakita niya ang response ng mga tao sa kanyang pag-ikot para mangampanya at mabuti na rin na nasasamahan si Willie nina Sen. Bong Go at Gringo Honasan.
Well, anuman ang maging resulta ng midterm elections sa Mayo, handang tanggapin ito ni Willie. Pansamantala muna niyang iniwan ang kanyang show sa TV5 at ipinagkatiwala ang game show sa kanyang BFF na si Randy Santiago.
Dating sikat na PBA player…
FREDDIE WEBB, MAY SARILING BASKETBALL COURT SA BAHAY
IKINUKUMPARA ngayon ang tandem nina Barbie Forteza at David Licauco (BarDa) sa tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino (KimPau). Sila ngayon ang sinasabing Power
Tandem na iniidolo at tinatangkilik ng libu-libong fans at supporters.
Bentahe raw ng KimPau tandem dahil for real ang kanilang ipinakikitang sweetness on and off camera, kaya marami ang kinikilig sa kanila.
All-out ang suporta ng mga fans sa pelikulang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD). Ang iba’t ibang grupo ng KimPau fans ang nagpa-block screening upang patunayan na malakas sa takilya ang kanilang mga idolo.
Pero kung ikinukumpara nila sa BarDa ang KimPau, hanggang sa harap lang daw ng kamera ang sweetness nina Barbie Forteza at David Licauco. Pang-showbiz lang daw ang lahat dahil hindi naman nililigawan ni David si Barbie, kahit pareho na silang single.
Para lang daw sa kanilang career ang ipinakikitang closeness nila.
Si Kathryn Bernardo nga ang kursunada ni David at pangarap na makapareha sa isang project.
Nagpakatotoo lang ang tandem nina Barbie at David. Hindi nila pinapaniwala ang BarDa fans na may “something special” na namamagitan sa kanila. Hindi nila dinadaya ang kanilang mga tagahanga. Hindi nila pinaaasa ang mga fans.
Nagpapakatotoo rin si Barbie kapag may mga nagtatanong sa real status nila ni David. Naging special friend niya si David dahil nagkakatulungan sila sa kanilang career.
Walang pressure sa kanila at puwede pa rin silang gumawa ng project na magkahiwalay. Puwede silang ipareha sa kahit sinong artista, upang mas mag-level-up ang kanilang pag-arte. Magiging bentahe ito pareho kina Barbie Forteza at David Licauco.
Ngayong 2025, may mga naka-line up na projects na gagawin si Barbie. May isang serye sa GMA-7, at 3 pelikula ang kanyang tinanggap.
Comments