top of page
Search
  • BULGAR

Nagkagulo ang mga fans… HELLO, LOVE GOODBYE (HLG), TULOY DIUMANO ANG PART 2

ni Nitz Miralles @Bida | May 17, 2024



Photo
File photo: Alden Richards at Kathryn Bernardo / Hello Love Goodbye

Hindi pa man official at alternative account pa lang ng Star Cinema ang nag-announce ng sequel o part 2 ng Hello, Love, Goodbye (HLG), sari-sari na ang mga reaksiyon ng mga fans kahit blurred ang photo nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa ipinost na clip ng part 1 ng movie.


Nakalagay ang “soon” at maririnig ang sagutan nina Alden at Kathryn bilang sina Ethan at Joy (name ng karakter nila sa movie) respectively, kaya ang dami nang excited. 


Lalo na siguro kapag ang Star Cinema na ang nag-announce na gagawin na ang HLG 2, magkakagulo ang mga fans.


Heto nga at iba’t ibang comments na ang nabasa namin, gaya ng mga fans na nag-comment pa na disappointed sila dahil balik-love team si Kathryn. Kaya lang, hindi naman sila love team ni Alden. Isang pelikula pa lang ang kanilang nagawa at magiging dalawa kapag natuloy ang HLG 2.


Anyway, ang sabi, uunahing gawin ni Kathryn ang HLG 2 bago ang Elena 1944 at kung tama ang nasusulat, sa August na raw sisimulan ang HLG 2. Tamang-tama dahil nasa Canada si Alden that time para sa Sparkle Goes to Canada 2.


Ang shooting ng HLG 2 din daw ang rason kung bakit halos araw-araw ang taping ni Alden ng Pulang Araw.


Again, kung tama ang balita, kundi June ay sa July na ang premiere ng mega-serye ng GMA-7 at kailangan ngang makapag-advance taping ang aktor kung may show siya sa Canada at isusunod ang shooting nila ni Kathryn.      

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page