top of page
Search
BULGAR

Nagkaaberya... FLIGHT NI PACQUIAO PA-TATE, NAG-EMERGENCY LANDING SA JAPAN

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 05, 2021



Halos isang araw naantala ang biyahe ni Senator Manny Pacquiao papuntang Los Angeles, California, USA nitong nakaraang gabi ng Sabado, July 3.


Ang biyahe ng Pambansang Kamao ay kaugnay ng kanyang training sa Wild Card Gym para sa boxing match nila ni Errol Spence, Jr. na magaganap sa Las Vegas, Nevada sa August 21.


Nag-take-off mula sa NAIA ang Philippine Airlines flight PR102 na sinakyan ni Pacquiao noong Sabado, 9 PM, pero nagkaroon ito ng emergency landing sa Haneda Airport ng Tokyo, Japan dahil sa isang pasaherong nangailangan ng medical attention.


Naagapan naman ang pasyente kaya't hindi na ito dinala sa ospital dahil nabigyan agad ng first aid sa loob ng eroplano.


Napilitang bumalik sa Maynila ang PR102 noong Linggo nang tanghali dahil hanggang hatinggabi lamang ng July 3 ang landing time permit ng PR102 sa international airport ng Los Angeles, California.


Tiyak namang nakahahol pa si Pacquiao sa pag-uumpisa ng kanyang boxing training sa Wild Card Gym ngayong Lunes, July 5, Los Angeles time.

0 comments

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page