ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 18, 2024
Photo: Sharon Cuneta - Instagram
May pa-throwback si Sharon Cuneta ng kanyang mga ex-boyfriends in her latest Instagram (IG) post.
Nag-upload si Megastar ng mga larawan niya kasama ang mga ex niyang sina Robin Padilla at Richard Gomez.
Sa caption ay sinabi niyang ang popogi raw ng kanyang mga ex na ngayon ay parehong successful politicians na.
“Just saw these! OMG! Twilight Zone. Ang popogi at astig ng mga ex ko at ‘yung isa, Senador na, ‘yung isa, naging Mayor na and now Congressman!” sey ni Shawie.
“‘Kakatuwa naman. Wala lang, ang sarap lang makita ng naka-smile ka! Happy for them! (clapping emoji),” patuloy ni Mega.
Pero ang big winner daw siyempre sa puso niya ay ang mister na si Kiko Pangilinan.
“PERO - si Kiko ang nanalo! Sa puso at buhay ko!!! Happy kami!” saad ni Sharon.
Well, open book naman ever since na ang dalawa sa pinakamakulay na relasyon ni Sharon ay sina Robin at Goma.
Matatandaang super in love sina Robin at Shawie noon to the point na humarap ang action star sa tatay ni Mega na si Mayor Pablo Cuneta at hiningi ang kamay ng aktres.
Pero that time ay hindi pa annulled si Sharon kay Gabby Concepcion.
Eventually, hindi natuloy ang kasal at naghiwalay sila.
Si Goma naman ay naging dyowa ni Sharon noong 1989 matapos nilang gawin ang pinagsamahang movie na Kahit Wala Ka Na (KWKN).
In her old interview, inamin ni Sharon na ang dalawang “R” na ex niya ang itinuturing niyang “great love.”
Ngayon ay may kani-kanya na silang buhay at pawang masasaya naman sa kani-kanilang family life. Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan are now in their 28th year of marriage at nananatiling matatag ang relasyon.
Ikinagulat ng mga avid viewers ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ang sunud-sunod na pagkawala ng mga importanteng karakter sa serye lately, tulad na nga lamang nina Lena (played by Mercedes Cabral), Noy (played by Lou Veloso) at marami pang iba.
May paliwanag naman ang bida at direktor ng serye na si Coco Martin tungkol dito.
Aniya sa panayam ng ABS-CBN, “‘Yun talaga ‘yung flow ng kuwento. Kumbaga, hinog na s’ya.”
Kahit pa nga raw Holiday season na ngayon, hindi pa rin ito dahilan para mag-slow down sila.
“Gusto ko, kahit December o kahit ano ‘yung okasyon, gusto ko, dire-diretso kasi buo ‘yung kuwento, eh, kasi ang dami naming interesting characters na dapat bigyan ng kuwento,” sey pa niya.
“Natutuwa kami kasi ‘yung ratings kahit December, ang ganda-ganda ng ibinibigay sa ‘min na pagmamahal at suporta ng mga tao,” pahayag pa ni Coco.
“Ibig sabihin nu’n, maganda ‘yung naibibigay nating kuwento sa pagtutulungan ng lahat,” aniya.
At sa darating na taon, sinigurado ng aktor-direktor na mas marami pang aabangan sa kuwento ng BQ. In fact, ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na nila ang second anniversary ng show sa February.
Kommentarer