top of page
Search
BULGAR

Naghihingalong kumpanya, puwedeng utay-utayin ang 13th Month pay

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | November 2, 2021



Tuwing tumutuntong ang ‘BER months at nangangamoy Pasko, napapangiti tayong lahat dahil may inaasahan tayong 13th month pay at mga bonuses. Pero ngayong may pandemya, may inaasahan pa ba tayong 13th month pay? Siyempre, dapat lang!


Remember, mandatory sa ilalim ng Presidential Decree 851, ang mga may-ari ng kumpanya at establisimyento ay inaatasang bayaran ang kanilang mga empleyado ng 13th month pay, bago ang ika-4 Disyembre o mismong araw nito kada taon.


Take note, ang 13th month pay na itinakda ng batas ay hindi dapat bababa sa katumbas ng isang buwan o one-twelfth (1/12) ng total basic salary na kinita ng empleyado sa loob ng calendar year.


Saka, sa ilalim naman ng TRAIN LAW, ang 13th Month pay at iba pang bonuses ay hindi taxable basta hindi ito lalampas sa P90,000.


Pero, hindi natin maisasantabi na maraming kumpanya ang nagsara at maraming kumpanya ang nagbawas ng mga empleyado at kailangan nilang ‘maghigpit sinturon’, kaya problemado sila ngayon kung paano nila mababayaran ang 13th month pay.


Well, IMEEsolusyon natin d’yan, kung hindi kaya, aba, eh, puwede naman gawing ‘staggered’, painut-inot ang bigay, o hati-hatiin! Eh, ano ang magagawa natin kung talagang krisis tayo ngayon, ‘di ba?


IMEEsolusyon din natin d’yan ‘yung maliliit na mga negosyo, o ‘yung small and medium enterprises o SMEs, eh, puwede namang tulungan at pautangin ng ating pamahalaan, partikular na sa Small Business Corporation.


Ngayong may pandemya, magtutulung-tulong tayo, ‘ika nga, para-paraan lang ‘yan para makatalima tayo sa ating obligasyon. Malaking tulong ang 13th month pay sa mga empleyado para kahit paano’y maging masaya at mairaos ang pang-Noche Buena ng bawat pamilya.


Agree?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page