ni Lolet Abania | October 9, 2021
Mahigit sa 47,000 certificates of candidacy (COCs) para sa lokal na posisyon ang naghain na mga kandidato mula Oktubre 1 hanggang 8, batay sa report ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Sabado.
Ayon sa Comelec, umabot naman sa 97 kandidato sa pagka-pangulo, 29 para sa bise presidente, 176 sa pagka-senador at 270 ang nominees para sa sectoral representation o partylist group.
Para sa local positions, mayroong 733 kakandidato bilang district representatives, 281 tatakbong gobernador, 226 sa pagka-vice governor, 1,951 para sa provincial board members, 4,486 sa pagka-mayor, 3,968 sa pagka-vice mayor, at 35,636 na tatakbong councilor.
Sa isang interview kay Comelec spokesperson James Jimenez, sinabi nitong ang mga kandidato ay daraan lahat sa mahigpit na screening process upang kanilang salain at piliin kung sino ang seryoso at iyong mga nuisance bets lamang na tatakbo sa eleksyon.
Sinabi rin ni Jimenez na posibleng mailabas nila ang final list ng candidates sa Disyembre. Sa Mayo 9, gaganapin ang 2022 National and Local Elections.
Comments