ni Jasmin Joy Evangelista | September 10, 2021
Inilunsad na ng simbahang Katolika ang mobile app para matugunan ang "new normal" sa pananampalataya.
Ito ang ‘FaithWatch’ app kung saan maaaring manood o makinig ng mga misa na pang-Katoliko.
Gamit ang FaithWatch app, maaaring hanapin sa smartphone ang pinakamalapit na simbahan, malaman ang mga oras ng misa roon, at masabayan ang mga naka-livestream.
Maaari ring magbasa ng Gospel reflections at balitang simbahan at magpadala ng mga Mass intention.
Ayon sa Media Office ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nasa likod ng proyekto, layon ng app na matulungan ang mga Katolikong maging aktibo sa pananampalataya at maengganyo rin ang mga hindi deboto.
“It wishes to reach out to the ‘unchurched’ populating social media through vlogs and other contents produced and formatted with ‘missio ad gentes’ (mission toward all people) in mind,” ani CBCP Media Office director Msgr. Pedro Quitorio III sa isang pahayag.
Kasama ng CBCP sa pag-develop ng app ang Areopagus Communications Inc. at ang Heart of Francis Foundation.
Plano rin nilang i-update ang app para maisama ang schedule ng mga sacrament at pagdasal ng rosaryo.
Maaaring i-download ang FaithWatch app sa mga Android at iOS phones.
コメント