Dear Roma Amor - @Life & Style | September 16, 2020
Dear Roma,
Tatlong taon na ako sa work ko at isa akong regular employee. Nu’ng una, okay naman at nag-e-enjoy ako sa trabaho dahil marami akong natututunan. Pero last year, kinailangang palitan ang secretary sa isang department sa office at ako ‘yung ipinalit. Tinanggihan ko sa simula dahil hindi ko ‘yun forte, pero in-insist nila kasi walang ibang puwede umupo ru’n.
It's been 9 months nang malipat ako, pero same salary since 3 years ago, but ‘yung responsibility ay sobrang bigat kumpara sa actual position ko. On call ako, as in, even on holidays and late nights, kailangan kong mag-work without pay. Nawalan na ako ng peace of mind at motivation. Parang robot na lang ako na sumusunod sa utos. I asked a lot of times na ibalik na ako sa original station ko, pero hindi pa rin ako binalik kasi walang papalit sa ‘kin.
Naiisip kong mag-resign kasi sobrang hirap na, lalo na ‘yung work from home. Nag-hesitate lang ako dahil ito lang ang source of income ko. Should I stay or leave? –Gracey
Gracey,
Kung wala nang reason para mag-stay, mabuti pang mag-resign ka na, pero tulad ng sinabi mo, hesitant ka pa dahil ito lang ang iyong pinagkakakitaan. Siguro, mabuting planuhin mo muna kung paano ka makaka-survive nang walang regular work. Kung may savings ka na magtataguyod sa iyo, go lang, pero kung wala, isipin mo ang susunod mong hakbang. Puwede kang magnegosyo muna o maghanap na lang ng ibang papasukan. I’m sure na may iba pang oportunidad na naghihintay sa ‘yo kaya ‘wag kang matakot na hanapin ito. Sabi nga, kung apektado na ang peace of mind mo, it’s also a sign na maghanap ng ibang trabaho. Good luck!
Comments