top of page
Search
  • BULGAR

Nagbago raw ngayong may Marco na… ARA: CRISTINE, NOT JUST ONCE, MARAMING BESES NANG NAG-SUICIDE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 2, 2024



Showbiz News


Ang laki na ng ipinayat ni Ara Mina kaya game na game na raw siyang ituloy ang kanyang 30th anniversary concert titled All of Me sa July 11 sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts sa Pasay.


Bukod sa pumayat, naikondisyon na rin daw ni Ara ang kanyang boses at katawan dahil nagda-dance lesson siya ngayon.


At take note ang kanyang mga guests, sina Concert King Martin Nievera at Ogie Alcasid lang naman, at siyempre, ang kanyang sister na si Cristine Reyes.


Hindi naman daw first time makaka-duet o showdown ni Ara sina Martin at Ogie dahil nagkasama na rin sila sa mga out of the country shows. 


Kung sasabayan ba ni Ara ang pagbirit nina Martin at Ogie, 'yan ang abangan.

Anyway, dahil guest nga ni Ara si Cristine sa kanyang All of Me concert, nakumusta namin sa kanya ang younger sister.


Ani Ara, tuwang-tuwa siya dahil ang laki na raw ng ipinag-mature ngayon ni Cristine at mas malalim na ang relasyon nila kumpara dati. Malaking factor daw ang BF ngayon ng kapatid na si Marco Gumabao.


"'Di ba dumating 'yung point na hinahanap niya 'yung sarili niya? I think, malaking factor si Marco. Marco guided Cristine," panimula ni Ara.


Tinanong namin si Ara kung aware siya sa pag-amin ni Cristine sa isang interview na may suicidal tendency ito.


Sagot ng aktres, "Yes, oo, aware ako du'n, maraming beses na niyang ginawa, na nagtangka. A long, long time ago, nasa GMA pa siya, alam ko 'yun."


Pero siyempre nga naman, hindi na para i-broadcast pa ni Ara ang dahilan ng mga pinagdaanan ni Cristine. Ang mahalaga, nag-mature na nga raw ito ngayon at mas pinakikinggan na ang mga payo niya rito lalo't mas close sila ngayon.

Kaya abangan ang pasabog ng magkapatid na Ara at Cristine sa All of Me concert. 


 

ICE, NAG-CONCERT KAHIT SUPER-LAKI NG PIGSA SA MUKHA


SHOWBIZ PHOTO

Nakakabilib naman ang professionalism ni Ice Seguerra dahil kesehodang may "sumpa" siya sa mukha (as in super-laking pigsa) nu'ng gabi ng kanyang Videoke Hits: The Repeat Concert last June 28 sa Music Museum, all-out performance pa rin ang ibinigay niya.


Sa tantiya namin, parang aabot sa 30 songs ang kinanta ni Ice that night, pero grabe, hanggang sa dulo, performance level talaga siya.


Natuwa ang audience nang magbihis-babae si Ice at nag-ala-Spice Girl kung saan kasama niyang sumayaw sa stage ang misis na si Liza Diño at iba pang backup dancers.


Hindi naman nakarating ang special guest sana ni Ice na si Yeng Constantino dahil may sakit daw, kaya buti at nahila niya sina Juris at Princess Velasco para samahan siyang kumanta ng Hawak-Kamay


Naka-duet din niya ang talent nila ni Liza sa Fire & Ice Live na si The Voice Season 13 contestant Ryan Gallagher sa Sana Maulit Muli.


Nagulat naman kami na nasa team na pala ni Ice si Alyssa Quijano, ang ex-GF ni Jake Zyrus (dating Charice) bilang backup singer ni Ice kasama si Brenan Espartinez.


 

Samantala, kahit pagod na pagod pa sa repeat ng kanyang Videoke Hits concert, kinabukasan naman (June 29), nag-opening ang stage play nina Ice at Liza na Choosing sa Powermac Center Spotlight sa Circuit, Makati.


Bumilib na naman kami sa energy at galing umarte nina Ice at Liza, imagine, sa 2 oras ng play, sila lang ang pinanood naming umaarte sa entablado pero naitawid nila nang bonggang-bongga with no dull moments at with flying colors, 'ika nga.


Napakagaling palang aktres ng dating FDCP chairwoman at natural na natural lang ang akting nila ni Ice pero madadala ka.


Ang husay din palang magsulat ng story ni Liza dahil siya ang sumulat ng script nila ng Choosing na mula sa direksiyon ng theater director na si Anton Juan.


Ang daming isyung tinalakay sa Choosing na tungkol sa mga problema at dilemma ng mga members ng LGBTQIA community, kaya no wonder na relate na relate ang mga


"kafatid" at mga "pards" sa mga karakter na ginampanan nina Ice at Liza.

Sa second day ng Choosing, nakita naming sold-out ang tickets at punumpuno ang theater, kaya we'd like to congratulate Ice and Liza for this successful play na may mga susunod pang schedule kaya make sure na 'wag n'yong ma-miss 'yan.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page