top of page
Search

Nag-viral… GMA BOSSES, NAG-AWAY-AWAY SA IPAPALIT SA NOONTIME SHOW NINA ISKO AT PAOLO

BULGAR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 6, 2024



Isa pang viral ngayon ay ang post sa social media ng Facebook user na Chakapuso 2 tungkol sa pagkakaroon umano ng diskusyon ng mga GMA executives kung ano ang ipapalit sa tsinuging Tahanang Pinakamasaya.


Balita kasing TiktoClock ang ipapalit pero may humaharang.


Anyway, ang naka-post ay, “BREAKING: GMA Network's executives nag-away-away?”


“Nagkaroon ng pagtatalo ang mga executives ng GMA Network sa ginawang internal meeting ngayong araw. Ang kanilang agenda, ano ang ipapalit sa Tahanang Pinasara?


“Isang male executive ng GMA Network ang namimilit na ipasalo sa TiktoClock ang mababakanteng noontime slot subalit inayawan naman ito ng iba pang executives. Ang gusto niya kasi, ilipat si Isko Moreno mula Tahanang Pinakamasagwa papuntang TiktoClock para makasama si Kim Atienza.


“Agad namang hindi sumang-ayon ang isa pang lady executive at iba pang executives at may isang nagsabing gumawa sila ng panibagong noontime show, pero may ilan ding hindi pumabor sa walang kwentang idea na ito.


“Sa ngayon, rebranding ng Tahanang Pinakashunga kasama ang pamunuan ng TAPE Inc.


ang kanilang pinag-iisipan; New title, new hosts, new set up, new studio at new segments.


“Ayon pa kay lady executive, dapat daw ay may pundasyon na sa telebisyon at may hatak sa masa ang papalit sa nasabing pumanaw na noontime show.”


Marami naman ang nag-comment patungkol dito. 


Well, bukas ang BULGAR tungkol sa isyung ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page