top of page
Search
  • BULGAR

Nag-start sa IG post… PRECIOUS LARA, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA HIWALAY NA RAW SILA NI MARCO

ni Beth Gelena @Bulgary| June 28, 2024



Showbiz News

Natsitsismis ngayon ang mag-asawang Lara Quigaman at Marco Alcaraz na hiwalay na. 


Nawindang ang 2005 Miss International sa tsismis na kumakalat. 

Sa Instagram (IG) ng former beauty queen ay agad siyang nagbigay ng pahayag tungkol dito. 


Aniya, may sinend umano ang kanyang mga kaibigan na isang TikTok video na may nakalagay na quote.


Ito ay isang makabuluhang quote tungkol sa pagiging mag-isa, na sa tingin niya ay naging dahilan para isipin ng mga netizens na hiwalay na sila ng mister. 


Natawa si Lara at agad na pinabulaanan at sinabing nagiging mag-isa lang siya kapag pupunta ng comfort room para takasan ang ingay sa bahay.


Sey ni Lara, “So a few friends were concerned and sent me a link to a TikTok post that’s been going around (next photo) that has my picture, plays a sad song and the caption that says,


‘Minsan kailangan mo lumayo para makita mo ang tunay na halaga mo. Huwag ka matakot mag-isa kasi doon mo makikilala ang sarili mo.’” 


Aniya pa, “And so, some think that @marcoalcaraz and I separated. Hindi po, (bakit ba kasi gusto n’yo kami maghiwalay?) Nevaaa (never).”


Patuloy pa ni Lara, “At hindi ko po sinabi ang nasa caption, pero minsan lumalayo po talaga ako, nagla-lock ng door (sa CR) para mag-isa pero ‘di para makilala sarili ko kundi para makatakas sa ingay ng bahay kahit 5 minutes lang. Hahaha.”


 

May trending video si Jackie Gonzaga o mas kilalang “Ate Girl” sa It’s Showtime kung saan nag-react si Vice Ganda. Ang nasabing video ay nu’ng nagsasayaw si Ate Girl ng Water dance. 


Isa sa best dancer ng It’s Showtime si Jackie na ngayon ay regular na ring host ng Kapamilya noontime show. Si Meme Vice ang nagma-manage ng kanyang career. 


Sa viral video na ipinost ni Ate Girl sa kanyang Instagram (IG) account ng kanyang Tyla’s Water song dance na kuha sa La Union, nakasuot siya ng terno crop top and high-slit skirt. 


Hindi man masyadong exposed ang katawan ni Jackie sa kanyang suot, kitang-kita naman ang magandang kurbada ng kanyang katawan. 


Sa video ay medyo nakainom umano si Gonzaga when she did the dance hyped by the people around. 


Lahat daw ng mga mata ng madlang pipol ay sa kanyang pagsasayaw nakatuon, na agad umani ng million views. 


Sa latest episode ng It’s Showtime, partner sila ni Vhong Navarro sa segment at ang intro song ay nagpaalala kay Vice ng nag-viral na video ni Jackie.


Ani Vice, “Paano? Paano? ‘Wag ka nga, Vhong! ‘Di naman kita nakita du’n sa mga video, ah. Gusto mo kausapin din kita? Kasi s’ya kinausap ko na nu’ng makita ko ang video, eh.”


Samantala, nali-link ngayon si Jackie sa actor na si David Chua. 


Ayon sa aktor, nag-meet umano sila ni Ate Girl last year kung saan kabe-break lang ni Jackie sa karelasyon niya ng 8 yrs.. 


Naghiwalay na kasi diumano si Jackie Gonzaga at si Tom Doromal nu’ng May pero wala pang opisyal na pahayag tungkol dito. 



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page