ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 2, 2023
Matapos kumpirmahin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hiwalay na sila, may bagong isinasangkot na dahilan ng breakup ng KathNiel love team.
Ang Star Magic star na si Gillian Vicencio raw ang totoong dahilan at third party sa hiwalayang Kathryn-Daniel.
'Yung isyu kay Andrea Brillantes ay hindi seryosong relasyon. Si Andrea lang daw ang naging “shoulder to cry on” ni Daniel sa panahon na may problema sila ni Kathryn, kahit na nga may balitang nag-sleepover si Daniel sa condo ni Andrea.
Ang seryoso raw ay ang naging relasyon nina Gillian Vicencio at Daniel Padilla na balitang nagkatikiman pa.
Ngayon, pati ang pagpapagupit ng buhok ni Kathryn ay ginawang isyu dahil ginagaya raw nito ang hairstyle ni Gillian na kasama rin sa movie niyang A Very Good Girl.
Well, ayon sa malalapit na kaibigan ng KathNiel na nakakaalam ng real score sa breakup, mahigit na apat na buwan na silang hiwalay, pero ngayon lang nila nagawang aminin ito sa publiko.
So far, walang panunumbat kay Daniel na narinig mula kay Kathryn kundi pagbibigay ng respeto sa lalaking naging bahagi ng kanyang buhay for 11 years.
Na-outgrow na nilang pareho ang pagmamahal sa isa't isa. Ready to move on sa bagong chapter ng kanyang buhay si Kathryn at tuluyan nang kumawala sa KathNiel love team. Handa na rin siya sa mga challenging roles na ibibigay sa kanya.
Pansamantalang magpapahinga ang puso ni Kathryn Bernardo.
Comments